^

PSN Opinyon

Sa PMA naman ngayon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko matapos ang pagpatay kay Horacio “Atio” Castillo III kaugnay sa hazing na ginanap ng mga miyem­bro ng Aegis Juris fraternity sa UST, mawawala na ang hazing sa bansa. Tinutukan nang marami ang kaso kaya naging mabilis ang pag-usad ng kaso para mapanagot ang mga pumatay sa bata. Inaasahan na makukulong ang mga nasa likod ng pagpatay sa kanya pati ang tangkang pagtakpan ang krimen.

Pero ngayon, isa na namang kabataan na may mala­king ambisyon ang pinatay ng mga may baluktot na paniniwala ng kapatiran. Patay si 4th class cadet Darwin Dormitorio na ayon kay PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista ay sanhi ng hazing. Labingwalong taon nang magkaroon ng kasong hazing sa PMA kaya may bahid na naman ang makasaysayang akademya. Lumabas na ilang beses nang dinala si Darwin sa ospital ng PMA pero urinary tract infection (UTI) lang daw ang sakit kahit may mga markang binugbog na siya.

Hindi raw ito palalampasin ng PMA. May mga hinihinala ng mga suspek kaya hindi na sila masyadong pinagagalaw sa loob ng kampo. Hindi rin ikinatuwa umano ng buong PMA ang insidente. Sana nga. Matagal ko nang hindi maintindihan ang hazing. Paraan lang ito para ma­nakit ng tao. Nagsasanay na ba ang mga nasa likod ng pagpatay kay Darwin para sa kanilang magiging posis­yon sa PNP?

Pati ilang mambabatas ay nais imbestigahan ang insidente at kakasuhan daw hindi lang mga kadeteng sangkot kundi pati mga opisyal ng institusyon kung mapatunayang may kinalaman o alam kung ano ang nangyari sa kadete pero hindi tinulungan. Nakikiramay ako sa pamilya ni Darwin na sa aking kaalaman ay alumni rin ang kanyang ama ng PMA. Kailangang mawala na talaga ang hazing sa lahat ng institusyon at paaralan. Kung mas mabigat na ang parusa sa hazing, dapat ipatupad na ito.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with