^

PSN Opinyon

Hindi na natutulog si Gen. Eleazar

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TAGUMPAY ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa illegal na droga. Walang tigil ang raid sa mga drug den at pagsasagawa ng buy-bust operation. Libo na ang naikukulong at ang mga nanlaban ay sumalangit na. Ngunit hindi madali sa PNP ang pakikipag­digma sa pushers at users dahil may mga pulis na na­matay at nasugatan sa engkwentro. Kaya dapat laging handa ang mga pulis sa pagsalakay sa drug den. Naging maganda naman ang resulta dahil nabawasan nang malaki ang krimen at nakakapaglakad na tayo nang ma­payapa pagsapit ng dilim. Nabawasan na ang mga kri­minal dahil sa kampanyang iyan.

Sa katunayan halos hindi na natutulog si NCRPO chief Maj/Gen. Guillermo Eleazar sa paglilibot sa 5 police districts upang ma-supervise ang mga pulis. Magandang halimbawa ang ipinakikita ni Eleazar kaya nagiging masigasig at nagsisipag ang mga pulis.

Subalit hindi talaga maitatago na may mga pulis pa rin ang nasasangkot sa pag-recycle ng droga. Pinatunayan ito ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino. Ayon kay Aquino, may isang drug queen silang hinahabol at may mga pulis at pulitiko na kakutsaba sa pagpapakalat ng droga sa Metro Manila.

Agad pinulong ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang police officials upang habulin ang mga ito. Ang pinag­lulunggaan ng shabu queen ay sa Sampaloc, Maynila. Malamang sa mga sumunod na araw ay may matatagpas ang ulo sa mga ito. Mukhang may natitira pang mi­yembro ng “ninja cops” na dapat na tagpasin.

Malaking hamon ito sa liderato ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung may katotohanan ito na namumugad sa Maynila ang shabu queen at “ninja cops”. Kung nalinis ni Domagoso ang vendors at illegal terminal sa Divisoria, Sta Cruz at Blumentritt, dapat din niyang atasan ang mga pulis na tugisin ang salot na shabu queen at ninja cops. Di ba mga suki? Sa ngayon, tanging si Domagoso lamang ang bukambibig ng sambayanan sa paglilinis ng mga lansangan kaya sa droga naman nila ito hahamunin nang tuluyan nang mawalis ang mga salot sa Maynila.

* * *

May reklamong ipinaabot sa akin ang mga kaibigan ko sa Binondo. Ayon sa kanila may bagong sibol na kapitalista ng bookies ng karera na namamahay sa Race 7 KTV Club, Binondo, Manila. Nagngangalang umanong Fidel ang kapitalista at ang kanyang Kabo ay si Zaldy. Limpak-limpak umano ang nahahakot nitong taya ng mga tsikwa sa bawat karera bukod pa umano ang pagbubugaw sa mga kababaehan. Mayor Isko, Moreno, pakiaksyunan nga po ito. Alam kasi ng mga katsukaran kong tsikwa na ayaw na ayaw mo ng bookies ng karera kaya sa pamamagitan ng column na ito, nais nilang iparating sa inyo upang mabilis ang magiging aksyon nito. Dismayado na kasi sila sa  MPD lalo na sa Binondo Police Station dahil may ilang pulis pa silang nakikitang nakatambay sa lugar. Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with