^

PSN Opinyon

Usapang hiwalayan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

SA totoo lang, parang bibigyan pa ng premyo ang baba­erong mister kung magiging batas ang divorce bill. Mas magiging madali sa kanya at kapag nagkataon ay wala na talagang hadlang para magpapalit-palit siya ng asawa at muling magpakasal sa iba kapag pinagsawaan na niya ang relasyon nila ng dating misis.

Ang divorce bill na ito ay “anti-family” at “anti-children” din na maituturing. Mas magdudusa ang ating mga anak kaysa sa kanilang mga magulang kapag naging batas na ang divorce bill. May emosyonal, sikolohikal, pisikal at mental na epekto sa mga bata and divorce/separation na dadalhin nila hanggang sa kanilang pagtanda. Sila ang lumalaki na sira at hindi buo ang pamilya.

Ang pinakamasaklap sa lahat, ang mga anak natin mismo ang bandang huli ay baka gamitin ang divorce at magdesisyon na maghiwalay. Sa kanilang paglaki, gagayahin na lang nila ang ginawa ng kanilang mga magulang. Parang epidemya sa lipunan ang divorce na ipapasa ng magulang sa anak hanggang sa kanyang kaapu-apuhan. Bandang huli, sisirain na nito ang ating mga pamilya pati na ang lipunan.

Ang absolute divorce ay kinikilala naman natin basta talagang may depekto ang kasal o kaya ay sa kadahilanang lumabas ang basehan ng pagpapawalambisa pagkatapos ng kasal na tulad ng psychological incapacity kaya hindi magagampanan ng nagpakasal ang obligasyon niya bilang isang asawa ayon sa Article 36 ng Family Code.

Kilala ang Pilipino sa buong mundo na tapat magmahal sa kanilang mga asawa. Nagpapakatotoo sila at pinahahalagahan ang kanilang pagsasama. Siguradong masisira ang reputasyon natin kapag natuloy maging batas ang divorce bill. Makakahanap ng madaling solusyon ang mag-asawa para makawala sa isa’t isa imbes na subukang ayusin ang kanilang pagsasama. Babaha ang sangkatutak na kaso ng divorce sa Pilipinas. Sana naman, huwag ha­yaan ng Kongreso na maaksaya ang pera at oras ng taumbayan sa pagsulong ng walang kuwentang batas na ito.

vuukle comment

DIVORCE BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with