EDITORYAL – Hog raisers, dapat sumunod sa utos
(Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

HINDI lamang sa Rizal at Bulacan may mga na­matay na baboy. Mayroon na rin sa Payatas at Bagong Silangan sa Quezon City. Hinihinalang Afri­can Swine Fever (ASF) ang dahilan. May mga baboy din na nakitaan ng pananamlay sa mga na­sabing lugar at inaalam pa ng mga awtoridad kung ito ay sintomas ng ASF. Hanapbuhay ng mga residente ang pag-aalaga ng mga baboy na malaki ang naitutulong sa kanilang kabuhayan at pagpa­paaral sa kanilang mga anak. Kaya marami sa kanila ang nan­lumo dahil tiyak na mawawalan sila ng kita dahil sa pagkakasakit ng kanilang mga baboy. Nag­bigay ng tulong ang Quezon City government sa mga apektadong hog raisers.

Hinihiling naman ng Department of Agriculture (DA) ang kooperasyon ng mga nag-aalaga ng baboy sa kanilang bakuran na agad ireport sa kanilang tanggapan o sa barangay kung nakikitaan ng mga palatandaan ng pagkakasakit ang kanilang mga baboy. Huwag itago ang mga nakikitang palatandaan ng sakit at kung namatay ang mga ito, nararapat ilibing nang malalim sa isang ligtas na lugar at hindi mako-contaminate ang tubig. Sa paraang ito, hindi na kakalat ang ASF o anumang sakit na ikinamatay ng baboy. Kapag itinapon o ipinaaanod sa ilog, dalawang kaso ang kahaharapin ng mga gumawa nito. Hindi tama na itapon o ipaanod ang mga patay na baboy.

Gaya ng ginawa ng mga tao na nagtapon ng 58 patay na baboy sa Marikina River kamakailan. Hinihinalang ang mga baboy ay inaalagaan sa likod ng bahay. Nang mamatay ang mga ito, tina­pon sa ilog. Ayon sa mga awtoridad sa Marikina, walang nag-aalaga ng baboy sa kanilang lugar kaya hinala nila, galing sa Antipolo at Rodriquez, Rizal ang mga patay na baboy. Nagpalabas ng P200,000 na reward ang Marikina sa sinumang makapagtuturo sa nagtapon ng mga patay na baboy.

Tumulong para agarang maputol ang pagkalat ng ASF. Huwag itong ikalat sapagkat walang ibang apektado kundi ang mamamayan. Magtulung-tulong para hindi na lubusang kumalat ang sakit.

AFRI­CAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with