Kapitan, tinaboy ang BITAG!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

ANG mga tanggapan ng gobyerno, local man yan o national, bukas dapat para sa publiko. Kami nga sa BITAG, kahit na private entity ay bukas para sa lahat. Walang pinipili, lalo na’t kung ang pakay naman ay ang solusyonan ang reklamo ng mga mamamayan.

Kaya naman sobrang bwisit ko noong harangin ang BITAG Strike Team sa tanggapan ng Barangay Salvacion sa La Loma, Quezon City. Ang maayos sanang hearing, ginawa pang komplikado! May tinatago yata at takot magpakuha sa aming camera.

Limang complainant kasi ang lumapit sa amin dahil hindi nabayaran ang kanilang retention fee mula sa isang road project. Reklamo nila, tapos na ang proyekto pero hindi pa rin sila nababayaran ng Brysar Builders, Inc.

Umabot na ng dalawang taon ang kanilang paghihintay pero hindi nakikipag-ugnayan sa kanila ang kanilang employer. Dito na nila napagdesisyunang lumapit sa aming tanggapan.

Ora mismo ay tumungo kami sa Brysar Builders, Inc. upang linawin ang reklamo laban sa kanila. Pero ni isa sa mga opisyal nila ay hindi nagpakita sa amin. Dahil dito ay nakipag-kasundo ang kanilang staff na mag-set na lang ng hearing sa Barangay Salvacion.

Pagdating doon ay biglang hinarang ng kolokay na Barangay Secretary ang aming team. Hindi raw maaaring idokumento ang hearing dahil utos daw ito ng kanilang kapitan. Pero hindi nagpatinag ang BITAG sa gusto nilang mangyari.

You cannot close your door for the fourth estate. Trabaho naming ipakita sa tao ang proseso ng kanilang resolusyon. Hindi naman makakarating sa kanila ‘yan kung hindi muna sa amin dumiretso kaya responsible kami sa aming mga complainant.

Kaya naman nakatikim ng pangaral mula sa’kin si Kap. Hindi ko maintindihan kung bakit takot na takot sila na i-dokumento namin ang hearing e wala namang confidential sa pagu-usapan. Wala namang sikretong dapat itago.

Napagharap namin ang mga complainant at ang Brysar Builders, Inc. at nangako naman ito na aasikasuhin na ang hindi nabayarang retention.

Nagbigay na rin sila ng paunang bayad pero patuloy pa rin namin itong tututukan hanggang sa makuha nila ang kabuuang halaga na dapat para sa kanila.

Madalas niyong marinig na sabihin ko sa aming mga programa sa BITAG, you don’t have to be afraid of our cameras. Be afraid the moment we turn it off dahil hindi malalaman ng publiko ang anumang posibleng mangyari.

Hindi kami nananakot at lalong hindi namin ‘to ginagawa para lang magpasikat.  Mahalagang mai-dokumento ang lahat para lahat ay protektado.

BITAG STRIKE TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with