Pangarerang kalapati pagkamamahal pala
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

KARANIWANG presyo pala ng pangarerang kalapati ay daan-libong dolyares o milyong piso. Inalam ng The Eco­nomist kung bakit.

Pero ibang klase si Armando, limang taong gulang. Halatang alisto -- dahil sa mga nanlilisik na pulang mata. Buhay na buhay ang mga guhit na berde at pink sa leeg. Bilang champion, ang mga premyo niya ay katumbas ng pambansa, pang-kontinente at Olympic gold medals. Nang inanunsiyo online kamakailan na binebenta siya, maraming nagkainteres sa buong mundo, at lalo sa bansa niyang Belgium. $1.41-milyon (P72.2-milyon) ang ibinayad ng bago niyang may-ari na Chinese. Tatlong beses ang mahal niya kaysa huling online-auction record. Pinaka-mahalaga si Armando sa larangan ng pangarerang kalapati.

Sa Belgium sumibol ang pangangarera ng kalapati nu’ng ika-19 na siglo. Doon din pinaka-maraming colombophiles, mga mahihilig sa kalapati. Tumanyag ang mga kalapating Belgian dahil sa maraming henerasyon ng pag­lalahi, at mabusising pagsasaliksik at pagpapalaki.

Pero sa China pinaka-maraming nag-aalaga ng mga mamahaling premyadong pigeons. Doon kasi, naunang naging popular ang paghahasa ng homing instincts ng ibon: ‘yung pagbalik niya sa hawla matapos ilakbay nang malayo, miski tawid-dagat. Ang pangangarera ng kalapati ay ipinagbawal noong Cultural Revolution, dahil gawaing kapitalista at maluho raw ito, lalo ang malalaking pustahan, mamaha­ling pagkain at hawla, at magagarbong kompetisyon.

Nitong dekada tumindi sa buong mundo ang hilig sa pagkakarera ng kalapati -- lalo na sa pinaka-mararangyang labanan. Tatlong pinaka-mahal na kalapati ang nabenta sa China nu’ng 2013-2018, tig-$348,000 (P18.4 milyon) hanggang $449,000 (P23.8 milyon). Kaya naging gan’un kamahal si Armando ay dahil sa bidding ng dalawang Chinese.

* * *

Makinig nsa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

THE ECO­NOMIST
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with