Madatung, pumoporma na sa 2022 polls
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

NAKALULUNGKOT ngunit sa larangan ng politika sa Pinas­, money talks. Ang may pera, may partida. Hindi naman lahat ng mayayamang politiko ay gumagamit ng impluwensya ng salapi para magkaroon ng political advantage. Subalit kung ang salapi ay ginamit hindi lamang sa pamumudmod ng pera sa mga alagad ng media kundi ipi­nambibili ng mga Media outfit gaya ng pahayagan, radio at telebisyon, nakakagimbal na iyan.

Balita ko, may isang poltiko na aspirante sa pagka-Pangulo ang bumili ng pahayagan na ang bumubuo sa editorial staff ay mga kilalang personahe na mula sa sikat na pahayagan. Mga batikang social media influencers din umano ang staff ng pahayagang ito kaya malaking advantage agad sila sa naturang politiko.

Obviously, gagamitin niya ang diyaryo sa pagsusulong ng kanyang ambisyon. Sa paanong paraan? Eh ‘di sa “para­paganda” para gumuwapo ang imahe at “bulok pro­pa­ganda” o pagwasak sa sino mang poposturang kalaban niya sa Presidential race. Ang first order of the day ng politikong ito sa mga hinirang niyang executives ng nabiling pahayagan ay pagsisibakin ang lahat ng mga writers, editor at reporters na kontra sa kanya. Aba eh, masisilat nga naman ang ambisyon niya kung hindi sila tatalsik.

At ang isa pang krusada pala ng politikong ito kaya bu­mili ng pahayagan ay para siraan ang Rice Tariffication Law. Ipinakikilala ng politiko ang sarili na straight at hindi kurakot. At ang tagubilin umano niya sa mga bagong repor­ters ay tirahin ang mga Solon sa dalawang kamara ng Kongreso na kurakot kahit pa sila kaalyado ni Presidente Duterte.

 

Utos pa niya na ang lahat ng mga negative news tungkol sa posibleng makakatunggali niya sa Presidential race ay ilagay sa front page bilang major story ng kanyang biniling diyaryo. What about yung mga praise release tungkol sa kanya? Ah, para disimulado, inside story lang. Clever idea, di ba? May plano din daw ang politikong ito na bumili na AM at FM radio station sa loob ng taong ito. Wow, saan nagmumula ang sandamakmak na yaman ng taong ito na nagsasabing hindi siya kurakot? Sangkatutak ng milyones daw ang kayang pakawalan basta tumaas lang ang acceptance rating sa mga survey.

Sabi ng aking impormante, alam ng politikong ito na hindi siya iendorso ni Duterte kaya ngayon pa lang ay pumoporma na. Kailangan niya ang media so desperately! Gustong-gusto raw ng politikong ito na laging may Senate probe dahil lagi siyang nasa eksena. Pero may malapit na kaibigang bumulong sa kanya at sinabing “wag masyadong magpahalata at baka masilat ang Presidential ambition mo.”

MEDIA OUTFIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with