EDITORYAL - Pribadong sasakyan ibawal sa EDSA
(Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MARAMI nang naisip na paraan para mapalu-wag ang traffic sa EDSA. Binawalan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang provincial buses na makapasok dito sapagkat ang mga ito umano ang dahilan kaya grabe ang trapik. Pero hindi nagkabisa sapagkat kinampihan ng korte ang mga petitioner na hindi dapat ibawal ang pagyaot ng mga buses. Naunsiyami ang plano ng MMDA.

May nag-proposed na gawing one way ang EDSA. Gawing south bound lahat. Tiyak na luluwag dahil maraming lane ang EDSA. Pero sabi ng mga bumabatikos, hindi raw uubra ito sapagkat mara-ming aayusin sa kalsada at lalo lang magbubuhul-buhol ang traffic.

May nagpayo na lagyan ng toll ang EDSA. Lahat nang papasok ay magbabayad. Pero sabi ng mga kritiko, hindi rin ito makakasolb sa trapik dahil kahit may bayad, tiyak na dadagsa ang sasakyan at magsisikip din. Isa pa, kailangang isaayos muna ang sira-sirang EDSA bago maningil ng toll fee.

Ang isa sa mga pinakabagong suhestiyon para mapaluwag ang EDSA ay ang sinabi ni Caloocan City Rep. Edgar Erice na ipagbawal dito ang mga pribadong sasakyan tuwing rush hour. Ayon kay Erice, ibawal ang mga private cars mula 6:00 a.m hanggang 9:00 a.m at mula 6:00 p.m. hanggang 9:00 p.m.

Ayon pa sa mambabatas, dapat bigyang prayoridad ang mga manggagawa at middle income families na walang sariling sasakyan. Inilahad ni Erice ang proposal sa budget hearing ng MMDA noong Martes. Sabi pa ni Erice, ito raw ang mabisang paraan ngayon lalo’t papalapit na ang Christmas season na tiyak na magkakatrapik dahil sa kabi-kabilang pagsa-shopping.

Bakit hindi subukan ang proposal ni Erice? Mag-eksperimento ang MMDA. Wala namang masama kung susubukan na huwag munang dumaan sa EDSA kung rush hour ang mga pribadong sasakyan. Kung magiging epektibo, ituluy-tuloy na para magkaroon ng kaginhawahan sa pagbibiyahe sa EDSA lalo pa’t ang gusto ni President Duterte ay limang minuto lang ang biyahe mula Cubao patungong Ayala.

EDSA TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with