EDITORYAL - Kaya pala hindi maubos ang shabu…
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

NGAYON ay malinaw na kaya hindi maubos ang suplay ng shabu ay dahil nire-recycle ito ng mga corrupt na pulis at may basbas ng kanilang superior. Kaya kahit araw-araw ay may makukumpis­kang shabu, hindi nauubos dahil ang nakukumpiska ay ibebenta uli ng mga corrupt na pulis. At ang ma­­tindi pa, kapag nakahuli ng drug lords, ipatutubos dito ang nakumpiskang shabu ng P50-million. Kapag napakawalan ang drug lords, aaresto ang mga corrupt na pulis ng ibang tao para ito ang gawing fall guys.

Ito ang isiniwalat ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City mayor Benjamin Magalong. Ayon pa kay Magalong, isang dating mataas na retiradong opisyal ng PNP at dalawang nasa aktibong posis­yon ang sangkot sa gawaing ito. Humingi ng exe­cutive session si Magalong at sinabi niya sa mga senador ang pangalan ng PNP officials na sangkot sa tinatawag na “agaw-bato”.

Hindi makapaniwala ang mga senador sa mga sinabing pangalan ni Magalong. Hindi raw nila akalain na magagawa iyon ng dating PNP official. Sabi ni Senate committee chair Richard Gordon, sasabihin niya kay President Duterte ang pangalan ng mga police officials na sangkot sa “agaw-bato”.

Nakaka-shock ang mga inihayag ni Magalong. Talagang talamak na ang droga sa bansa at kaya hindi malutas ay dahil sa mga corrupt police offi­­cials. Habang ang ibang mabubuti at tapat na pulis ay nagpapakamatay para mahuli ang drug traffickers­ at makumpiska ang droga, ang mga “anay” naman sa PNP ay pinakakawalan ang mga ito at nire-recycle ang shabu.

Nararapat namang pangalanan ang mga police officials na sangkot sa “agaw-bato”. Dapat malaman ng taumbayan ang mga corrupt na ito na patuloy na sumisira sa imahe ng PNP. O hayaan na lang si President Duterte na maghayag ng mga ito sa publiko. Mas maganda kung ihahayag sa lalong madaling panahon.

CIDG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with