^

PSN Opinyon

EDITORYAL - - Huwag matakot sa polio vaccine

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - - Huwag matakot sa polio vaccine

NAKAKAHINDIK malaman na ang poliovirus (VDPV) ay makikita sa mga imburnal, poso negro o sewage. Nadiskubre ito makaraang magsagawa ng testing sa Manila sewage ang Department of Health (DOH) noong nakaraang buwan at nagpositibo sa virus. Sabi ni DOH Secretary Fran­cisco Duque III, bagama’t wala pang naitatalang kaso ng transmissions, dapat maprotektahan na ang mga bata sa virus. Ayon pa kay Duque, nasa kapaligiran na ang poliovirus kaya dapat pabakunahan ng mga magulang ang kanilang anak laban sa polio.

Kapag nabakunahan ang mga bata, 95 percent na silang ligtas sa polio. Wala umanong gamot sa polio kundi ang kumpletong bakuna. Nanana­wagan ang DOH na dalhin ng mga magulang ang kanilang anak sa barangay health center o mga pampublikong ospital para mabakunahan nang libre. Nagsimula na ang pagbabakuna sa Maynila noong nakaraang buwan.

Idineklara na ang Pilipinas na polio free mula pa noong 2000 subalit bumabalik ang virus dahil sa maruming kapaligiran. Marami pa rin ang walang sariling kubeta at kung saan-saan lamang dumudumi. Kaya ang panawagan ng DOH sa mamamayan, maging malinis para hindi mabuhay ang virus. Kailangang mapanatili ang proper sani­tation.

Marami naman ang nagkaroon ng takot sa bakuna mula nang maging kontrobersiya ang Deng­vaxia vaccine laban sa dengue. May mga batang binakunahan ng Dengvaxia ang umano’y namatay dahil sa kumplikasyon. Karamihan sa mga bina­ku­nahan ay hindi pa nagkaka-dengue. Ayon sa Sa­nofi, maker ng Dengvaxia, dapat mga nagka-dengue lamang ang dapat mabakunahan.

Ang pangyayaring iyon ay naghatid ng takot sa mga magulang kaya hindi na pinababakunahan ang mga anak. Kahit bakuna sa tigdas, kinatakutan din. Ngayong nakita ang poliovirus, huwag isapa­laran ang kalusugan ng mga anak. Pabakunahan sila para hindi magsisi sa dakong huli.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

FRAN­CISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with