Ano ba ito?
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

Kahit anong gawin at kahit gaano katino ang mga namumuno ng PNP na gaya ni General Oscar Albayalde at NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar kung bugok ang mga nasa ibaba ay hindi talaga gaganda ang imahe ng ating kapulisan. 

Tama o hindi?

 Gaya na lang itong mga pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 2 (Buendia Station) ng Pasay City Police na pinamumunuan ng isang Capt. Ricky Loyola Culanding.

 Sabi ng mga sumbungero, last Miyerkules ay nagsagawa ng diumano’y “clearing operation” itong mga bataan ni Culanding sa pumumuno ng isang nagnga­ngalang MSgt. Dominador Mendoza at Cpl. Mana-at  sa kahabaan ng Sandejas Street na sakop ng kanilang presinto. Maganda naman sana kasi matagal na ring inirereklamo ang mga nakahambalang na mga illegally parked vehicles, mga tindahan at kung anu-ano pang mga obstruction dito. 

 Ang problema sa halip na ito ang pagtuunan ng pansin ay biglang nauwi sa paghuli ng mga motorista ang kanilang clearing operation. Lahat ng mga sasakyan sa Sandejas na southbound ay pinaghuhuli kasama ang asset natin na mahigit nang 24 taon na nakatira sa lugar.

 Pinagpipilitan nilang one-way umano ang northbound ng Sandejas kaya’t nanghuhuli sila ng mga motorista. Pinagkukumpiska ang lisensiya ng mga motorista at pagkatapos nito ay ire-require ka na pumunta sa kanilang presinto upang “kausapin” si Culanding?

Naku ha!

Ano ba ito?

 Ang problema ay walang kahit anong legal na batayan ang diumano’y ini-imbentong violation ang grupo ni Culanding. Maliban sa walang mga signage na nagsasabing one-way ang Sandejas, may City Ordinance 1889 din ang Pasay na nagsasabing one-way ang  southbound ng naturang kalsada. In short, baliktad pa ang sinasabing one-way nitong mga nanghuling pulis Pasay.

Naging masigasig silang manghuli ng mga motorista sa isang barangay road pero dedma naman sila sa mga illegal terminal na nakahimpil  sa kahabaan ng Buendia kasama na rito ng himpilan ng UV Express  ilang metro lang ang layo sa kanilang opisina.

 Sabi nga, tama lang ang maglinis pero dapat linisin ang dapat linisin.

Inulang mga estudiante

LAST time around, pinapila ng mga bright d’yan sa Malacañang ang mga batang students para salubungin at ipakita kay Singapore President Hamilah Yacob ang ‘hospitality’ ng madlang Pinoy kaya naman panay ang wagayway ng mga bata nang dumaan at pumasok sa Palasyo ang convoy vehicles ng VIP guest ni Boss Digong.

Ang siste, habang nakapila sa kalsada ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulang este mali ulan pala kaya naman ang mga batang estudiante ay basang-basa na parang binuhusan ng isang drum na tubig.

Sabi nga, kaawa-awa ang naging kalagayan!

Ano ba ito?

Hindi man lang sila pinahiram ng payong ng mga bright sa Malacañang nang bumuhos ang malakas na ulan kaya naman may mga nabuwisit sa mga nangyari sa mga students o kaya pinasilong man lang para hindi sila mabasa.

“Siempre mga bata sila, sumusunod lang ang mga ito sa utos na huwag aalis sa pila habang hindi pa dumadaan ang kanilang wawagay-wayan ng bandila kaya ayon umulan ng malakas, basang-basa ang mga pobreng alindahaw,” sabi ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

Ang mga students na pinapila para sumalubong sa panggulo este mali Pangulo ng Singapore ay mula sa Pio del Pilar Elementary School at Dr. Celedonio Salvador Ele­mentary School.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago pa lang dumating ang convoy ng kanilang wawagaywayan ng bandila ay madilim na ang kalangitan kaya naman nagbabadya na babagsak ang malakas na ulan.

Sana walang nagka-sakit sa mga batang mag-aaral kahit na nilamig sila ng todo sa lakas ng ulan.

Ano kaya ang mainam gawin sa susunod? Take note, DepEd?

Binigyan kaya ng premyo ang mga batang estudiante na nabasa ng ulan dahil sa pagsalubong sa Pangulo ng Singapore?

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may batas sa Philippines my Philippines na bigyan ng protection racket este mali ang mga bata pala na nakasaad sa Republic Act 7610 o Special Pro­tection of Children Against Abuse, Exploi­tation and Discrimination Act.  

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with