Kliyente at contractor bulakbol kaya dream house ay nababoy?!
BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

HINDI kami eksperto sa mga sumbong na may kinalaman sa real estate. Pero hindi mo kailangang maging eksperto para malaman kung may problema ang isang transaksiyon o wala. Kapag ang isang proyekto ay palpak ang resulta may nagpabaya, may ‘di pagkakaintindihan o sadyang obob at palpakis din ang mga taong involve sa gawaing ito.

Itong ginang na lumapit sa amin, inirereklamo ang contractor at architect ng pinagawa niyang dream house. Halos kumpleto na raw ang bayad niyang P7.4 milyon na halaga ng bahay ngunit 60% pa lang ang nagagawa. Noong 2016 pa sinimulan ang construction nito ngunit hanggang ngayon ay ‘di pa natatapos. Ang ma­­saklap dito, hindi pa man tapos ang bahay ay nagsisi­mula na itong mabulok.

Pinuntahan ng BITAG Strike Force ang pinapagawang bahay ng ginang upang makita ang status ng construction at upang makausap na rin ang contractor. Pagdating sa target area, tanging ang mga construction worker lamang ang aming dinatnan at wala man lang nagsu-supervise sa mga ito. Dito na namin tinawagan ang contractor at sa kanya mismo nanggaling, nais niyang tapusin ang problemang ito kaya’t pupunta siya sa aming tanggapan.

Pinagharap ko ang dalawang panig and this is when the truth came out, little by little. Hindi natutukan ng kli­yente ang construction ng bahay, one and a half year siyang nasa United Kingdom. Tanging ang kapatid niya lang na isang real estate broker ang nagsupervise dito. Ito namang putok sa buho niyang kapatid, hindi nakikipag-coordinate sa kanya! Ang kapal pa ng mukha, nang­huhuthot ng komisyon sa contractor nang hindi alam ng kapatid niya.

Hindi ko isinisisi ang lahat sa magkapatid dahil kung tutuusin ay may pananagutan din ang kolokoy na contractor. Walang initiative na makipag-ugnayan sa may-ari tungkol sa mga nangyayari sa construction kaya naman hindi nito alam ang mga problema sa pinapagawa niyang bahay. Sa kapatid lamang ng kaniyang kliyente ito nakikipag-ugna­yan.

It’s clear that there’s a huge misunderstanding here. Ito ang nagiging resulta kapag ang contractor at may-ari ay parehong di tutok sa lahat ng detalye ng bahay.

Ang papel ng BITAG ay mamagitan  at maipakita ang mga punto at pagkakamali ng bawat partido. Sa reklamong ito, pareho silang silang may pagkakamali at pagkukulang. For the first time, blow by blow, tututukan namin ang ganitong klaseng reklamo sa ngalan ng serbisyo publiko. Hamon ko sa contractor, tapusin ngayong buwan ang dream house ng nagrereklamo. Weekly naming babantayan ng construction ng bahay upang masigurong tutuparin ng contractor ang kanyang mga pangako.

Hamon ko naman sa nagrereklamo, tutukan din ang patuloy na paggawa ng bahay para hindi siya nabibigla kung anong itsura ng trabaho. Hindi yung tapos na gawin, saka siya papalag at magrereklamo. Hindi namin pababayaan hanggang matapos ‘tong problema nila. BITAG na ang tatapos ng matagal na nilang dapat trinabaho.

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa aming Youtube channel, BitagOfficial.

REAL ESTATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with