Oil crisis nakaamba
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

ANG Saudi Arabia ay isa sa pangunahing pinagkukunan natin ng krudong langis. Ngunit dahil sa nangyaring pagpapasabog sa mga oil facilities ng  Saudi Aramco noong Sabado, nanganganib maudlot ang supply ng krudo sa nabanggit na oil producing country. Hindi lang Pilipinas ang apektado kundi lahat ng bansang umaasa sa ina­angkat na krudong langis.

Ngayon pa lang nga ay nagdurusa na tayo sa taas-babang presyuhan ng petrolyo dahil sa pabagu-bagong kalakaran sa world market at wala naman tayong magawa porke kung mayroon man tayong sariling produksyon, ito ay kakatiting lang at napakalayo pa sa commercial level.

Kahapon nga ay sumirit muli ang presyo ng petrolyo sa halagang uno-trenta pesos kada litro sa gasoline at otsenta sentimos bawat litro ng diesel. Hangga’t umaasa tayo sa krudong langis na unti-unting nauubos sa ilalim ng lupa, magiging mabigat na political issue ito. 

Sa situwasyong may nagaganap na tension lalo na sa mga oil producing countries, apektado ang ating kabuhayan. Pero may solusyon ang problema kung tutuusin. Ito ay ang pagdevelop sa enerhiyang mula sa araw upang magpaandar ng mga makinarya pati na sa mga sasakyan.

Katunayan, marami nang bumibiyaheng sasakyan na solar powered. Kundi man solar powered ay yung mga sasakyang battery powered na rechargeable gamit ang lakas ng araw. Bakit hindi palakasin ang produksyon ng mga sasakyang ito para hindi lang maging alternatibo kundi pangunahing gamit hindi lang sa transportation kundi sa lahat ng bagay na kailangan ang elektrisidad?

Kasi, nagla-lobby ang mga oil producers laban dito, palibhasa, mawawalan sila ng negosyo kapag nawalan­ na ng silbi ang kanilang langis. Iyan ay katotohanan. Mara­ming pera ang mga oil producing nations at kaya nilang gawin ito for self-preservation.

Pero dapat nang magising ang bawat bansa. Simulan nang ibasura ang krudong langis na nakamihasnan na nating gamitin dahil may ibang renewable source na hindi nauubos na puwedeng gamitin para paandarin ang makinarya ng ekonomiya. Ang isang bentahe pa ay, walang maruming usok na mapanganib sa kalusugan ang nagmumula rito.

KRUDONG LANGIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with