Sandali lang....
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

HINDI raw alam ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na may kasunduan ang AFP at ang papasok na pangatlong telco kung saan magkasosyo naman ang malapit na kaibigan ni President Duterte na si Dennis Uy at ang China Telecom na pinatatakbo naman ng gobyerno ng China, na magtayo ng mga pasilidad at istruktura tulad ng cell phone towers sa mga kampo ng AFP. Wala raw alam si Lorenzana tungkol sa ganyang kasunduan kaya iimbes­tigahan na naman ngayon.

Si Lorenzana rin ang nagkomento tungkol sa mga POGO at dami ng mga nagtatrabaho mula China na nagtayo ng kanilang komunidad malapit sa mga kampo ng bansa. Ngayon, sa loob na mismo ng kampo magnenegosyo ang mga taga-China? Hindi alam ng defense secretary ang nagaganap sa lupain ng mga kampo militar? Akala ko mas mataas ang awtoridad ng sibilyan sa militar?

Kaya raw hindi ito alam ni Lorenzana ay dahil nasa labas ng bansa at sa Biyernes pa babalik. Hindi ba dapat nasabihan man lang siya -- nag-text, viber, email para alam na may nagaganap nang MOA? Ang kasunduan ay ipadadala ng AFP sa kanyang tanggapan para pag-aralan at aprubahan. Pero wala pa raw natatanggap na dokumento noong Lunes ang defense department, na malapit lang ang tanggapan sa tanggapan ng pamunuan ng AFP sa loob ng Camp Aguinaldo. Parang tapos na kasi ang kasunduan kaya biglang nagsasalita si Lorenzana.

Ano kaya ang mangyayari sa imbestigasyon na iyan? May nangyari ba nang nagkomento si Lorenzana tungkol sa mga POGO na malapit sa mga kampo? Mababawi pa kaya ang kasunduang iyan kung ang negosyante ay malapit nga kay Duterte? Siguradong alam ni Duterte ang kasunduan pero wala naman tayong narinig na angal mula sa Palasyo. Ngayong nagtatanong si Lorenzana, ngayon pa lang may imbestigasyon o paghingi ng kanyang basbas? Hindi ako magtataka kung ang magiging resulta ay wala namang dapat alalahanin ang bansa kasi China naman ang kasosyo kaya okay lang iyan, hindi ba?

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with