Kakaibang sinaunang tao natagpuan sa Cagayan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2019 - 12:00am

NAKADISKUBRE ng mga buto ng sinaunang tao sa Callao­ Cave, Cagayan. At kumpirmado na kakaiba ito sa mga sinaunang tao sa ibang lugar. Lumalabas na nanirahan ito sa Luzon mga 50,000 taon na noon.

Binansagang Homo luzonensis, ang bagong prehistoric specie ay iniulat sa scientific journal na Nature. Natagpuan ito ng mga Pilipino at dayuhang siyentipiko, na pinamunuan ni archaeologist at University of the Philip­pines professor Armand Salvador Mijares. Sinuri ang fossilized na buto ng tao na nakuha sa Callao Cave nu’ng 2007, 2011 at 2015.

Sa tatlong indibidwal ang mga ngipin at buto ng kamay at paa, na Late Pleistoceneperiod, o mga 50,000-67,000 taon ang nakalipas. Kabilang doon ang buto sa paang tinaguriang Callao Man, na nakuha ni Mijares nu’ng 2007. Noon pa sinuri niya ito na maliit na lalaki ng modernong tao, o Homo sapiens. Hinala niya noon pa na bago itong specie, pero ngayon lang nadagdagan ng katunayang iba pang buto.

Hawig ang Homo luzonensis sa sinaunang hominid na Australopithecus at sa Homosapiens. Hindi sapat ang mga buto para mabuo ang isang indibidwal. Pero batid ng researchers na punggok ngang modernong tao ito. Nahukay ito sa lalim na tatlong metro.

Malamang na nakakaakyat ng puno ang Homo luzonensis. Mas maliit ang molars nito kaysa ngipin ng modernong tao. Mas matanda ito sa Tabon Man, na gumala sa Palawan mga 30,000-40,000 taon noon at natagpuan sa Tabon Caves, na tinirhan nila.

Nu’ng 2018 sa karatig na Kalinga natagpuan ang mga labi ng kinatay na ancientrhinoceros, mga 709,000 taon noon. May mga krudong kagamitang pangkatay, kaya natiyak na matalino ang mga taong ‘yun at kumakain at nangangaso ng hayop. Pero walang natagpuang buto ng tao sa Kalinga excavation. Hindi pa matiyak ni Mijares kung mga mas matandang Homo luzonensis ang kumatay sa rhinoceros, pero maari.

Mahalaga ang Pilipinas at Southeast Asia sa pag-aaral ng sinaunang tao.

PREHISTORIC SPECIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with