^

PSN Opinyon

Si Mimel Talusan at ang NAIA-Customhouse

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPAGDIRIWANG today ng Bureau of Customs-NAIA ang ika-59th founding anniversary sa NAIA Customhouse.

Sabi nga, happy birthday!

Naka-highlight ngayong araw sa BOC-NAIA Customhouse ang kanilang ‘record breaking’ na nagawa mula noong 2018 to 2019.

Si NAIA Customs District Collector Carmelita ‘Mimel’ M. Talusan at kanyang mga tauhan ay naka-focus para makuha ang revenue target at para rin protektahan ang mga hangganan nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kabuuang 49 drugs seizures simula March 2018 hanggang September 2019 na may halagang P531 million ang nakum­piska tulad ng mga shabu, ecstasy, heroine, kush o marijuana sa pamamagitan ng ginagawang  team work ng taga-BOC-NAIA sa koordinasyon sa PDEA. 

Noong 2018 ang pinakamahusay na performance ng BOC-NAIA na binigyan ng parangal ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero noong BOC Founding Anniversary at bigyan sila ng special award bilang  ‘THE PORT WITH THE MOST NUMBER OF BORDER CONTROL SEIZURES FOR THE YEAR 2018’.

Hindi pa rito natatapos ang mga pagbabantay at pagkukum­piska ng mga illegal na shipments sa BOC-NAIA dahil kamakailan lamang ay mga illegal wildlife trade, mga baril at mga meat products ang pinigil dahil sa walang mga permit itong ipinakita sa customs.

Sabi nga, sinamsam lahat!

May kabuuang 3,084 wildlife and endangered species na walang permiso mula sa Bureau of Animal Industry and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang kinumpiska tulad ng mga Iguanas, bearded dragons, chameleons, stingrays, stuffed moose head at fox snakes, tarantulas at 1,529 duct-taped live turtles ang ibinigay sa Department of Environment and Natural Resources at Department of Agriculture.

Ang mga apprehension sa mga wildlife ang nagbigay papuri sa iba’t ibang international media organizations para sa BOC Philippines.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patuloy na pinoprotektahan nina Talusan ang ating industriya laban sa pagpasok ng mga posibleng kontaminadong meat products na may African Swine Fever na maaaring magresulta sa animal at agricultural epidemic, na ngayon ay isa sa matinding problema sa Philippines my Philippines.

Nakumpiska rin ng NAIA-BOC ang dalawang eroplano na 80 seater at 50 seaters na hindi ibinayad ng buwis, at noong nakaraang linggo ay 823 used cellphones ang sinamsam ng mga tauhan ni Talusan sa airport. 

Ano sa palagay ninyo?

Magpapalusot pa ba kayo?

Abangan.

Si alyas ‘Vice Ganda’ at ang dalawa niyang tuta

IBINULGAR ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ang dalawang natitirang ‘tuta’ na batang sarado ni alyas Ricky ‘the living dead’ na naiwan sa Mactan International Airport ay sinibak na pero ayaw pang umalis dito. Take note, BI Commissioner Jaime Morente, Your Honor!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  grabeng manakmal ng mga Chinese nationals going out and coming sa Philippines my Philippines ang dalawang kurap dahil dito sila kumikita sa pangingikil hindi pa kasama dito ang ‘escorting with a fee’ ng dalawang tutang kenkoy.

Malaking pera ang pinag-uusapan dito kaya naman matin­ding kumahol at mangagat ang dalawang damuhong na ito lalo’t pagdating ng kanilang parokyano sa Mactan International Airport.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawang tuta ay sina alyas ‘unano’ at alyas ‘donald duck,’ wala silang sawa sa pambabakal sa airport. Take note, NBI-Cebu!

Ayon sa sumbong ang dalawang kenkoy ang nagmamaniobra ng mga OFWs going abroad na may depektibong mga dokumento.

Sabi nga, basta may pera lusot!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing ang tinaguriang ‘Vice Ganda’ ang pumapatong sa dalawang kenkoy kaya naman napakalakas ng loob ng mga gagong ito.

Si ‘Vice Ganda’ ay madalas nasa abroad. 

Para sa mga karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa numerong ‘8888’ para ikuento si alyas ‘Vice Ganda.’.

Abangan.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with