^

PSN Opinyon

Trapik pa rin ang problema

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HANDA na raw ang MMDA na mag-escort ng mga ambulansiya para makarating kaagad ang mga dalang pasyente sa kani-kanilang ospital. Ito ay matapos maulat na ilang pasyente ang namatay na habang dinadala sa ospital dahil hindi na umabot dulot nang matinding trapik. Handa na raw ang mga motorcycle units ng MMDA na mag-escort sa mga ambulansiya para mas mabilis mahawi ang mga sasakyan. Mabuti nga at nalalagay lang sa peligro ang mga pasyente kung hindi rin sila madadala kaagad sa mga ospital.

Pero kung handa namang tumulong ang MMDA, sana naman ay ipatupad nila ang pagbawal sa mga sasakyan na wala namang karapatang eskortan ng mga pulis o kung sino pa riyan. Ilan lang sa mga opisyal ng gobyerno ang puwedeng opisyal na ma-escort ng mga pulis, pero tila dumarami ang mga sasakyan na hindi naman uno at dos ang plaka na may tagahawi ng trapik.

Karamihan ni hindi man lang naka-plaka na mababang numero kundi mga pribadong plaka naman. Masyado naman silang nakalalamang sa mga ordinaryong motorista na tinitiis ang masamang trapik dahil lamang may escort silang pulis. Dapat kunan ang mga iyan at ilagay kaagad sa social media kung hindi aaksyunan ng MMDA.

Tila nagbabanggaan naman sina Sen. Grace Poe at DOTr Sec. Art Tugade hinggil sa sumasamang trapik. Kailan lang ay nagpahayag si Poe na dapat palitan na si Tugade bilang kalihim ng DOTr dahil hindi masolusyunan ang trapik, partikular sa EDSA. Ayon naman ay Tugade, punung-puno raw ang senador sa sarili niya.

Ang pinagmumulan ng bangayan ay ang paghingi ng emergency powers para sa Presidente para mapabilis daw ang mga proyektong makatutulong sa pagbawas ng trapik sa Metro Manila. Pero ilang taon na itong hinihiling pero hindi umuusad sa Kongreso. Nagpahayag na rin si Duterte na ang trapik sa EDSA ang pamana ni Poe sa bansa. Walang magagawa ang bangayan para lumuwag ang trapik.

Ang gusto ko ring malaman ay kung ano na ang nangyari sa mga bagon na Dalian na ipinadaan na sa sari-saring testing at pagsusuri kung magagamit nga sa MRT. Nagagamit na ba lahat? Isipin na lang ang tulong niyan sa sumasakay na publiko kung magagamit na nga lahat sa MRT.

vuukle comment

MMDA

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with