Restricted
DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2019 - 12:00am

ANG hirap pala pag-restricted ang visa sa isang bansa kahit na pinayagan ka nang makapasok may mga bawal nga lang.

Madalian ang huli kong biyahe sa Beijing noong Agosto 29 hanggang Set. 1 at lumabas naman agad ang aking visa sa Consulate ng China dito sa Davao City noong Agosto 28 na may ilang oras na lang para sa flight ko ng 3:00 ng madaling araw from Davao to Manila to Beijing na connecting ng PAL.

Salamat naman nang marami sa Chinese Consulate at binigyan ako ng visa.

Restricted nga lang. Ibig sabihin wala akong gagawin habang nasa China na kahit anumang ukol sa aking profession bilang journalist.

Pinasulat pa nga ako sa isang bond paper na “I promise o I swear” not to do anything pertaining to my job.

Kaya no interviews or anything sa mga sources na nakasalamuha ko roon sa Beijing. Lalong bawal akong magpadala ng kahit anong istorya sa desk. At lalong hindi ako pupuwedeng mag-share ng info sa kasamahan kong reporter na si Ace Romero. ‘Di rin ako pupuwedeng tumawag sa phone dahil nga baka ma-monitor ako at bigla na lang damputin dahil nga nangakong ‘di magtratrabaho ng kahit ano sa Beijing.

Anyway, nairaos ko rin ang ilang araw na restricted at nakauwi naman ako nang maayos.

Kahit paano. Maraming salamat pa rin sa Chinese Consulate sa pag-issue ng visa sa akin. Sa uulitin. 

CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with