^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bilibid or not

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bilibid or not

HINDI lamang ang pag-abuso sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang nabulgar sa pagdinig ng Senado noong Huwebes kundi pati na rin ang maraming pinagkakaperahan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), empleyado at mga guwardiya. Halos lahat ng pagkakakitaan ay nasa Bilibid at sa maniwala at hindi, umaabot sa P300,000 hanggang P500,000 bawat linggo ang sumasampang pera sa mga corrupt sa BuCor.

Sa ikalimang pagdinig, isiniwalat mismo ni dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos ang mga nangyayaring anomalya sa Bilibid kung saan ang mga opisyal ng nasabing tanggapan ang nagmamaniobra. Ayon kay Ragos, mayroong pitong money-making schemes sa Bilibid at nangyayari ito noon pa.

Kabilang sa mga binunyag ni Ragos ay ang pagpasok ng mga “tilapia” o mga bayarang babae sa loob na ang presyo ay P30,000 bawat gabi. Mga high profile inmate umano ang gumagamit sa mga babae. At karamihan sa mga babae ay nagiging girlfriend na o asawa ng mga maiimpluwensiyang bilanggo. Bukod sa nagpapasok ng babae, tala­mak din ang sugal sa loob at nagaganap ito sa mga kubol ng mga high-profile na bilanggo.

Isa pa sa pinagkakakitaan ng mga corrupt na BuCor officials, ayon kay Ragos ay ang “catering” kung saan ang portion ng food allowance ng mga bilanggo ay napupunta sa mga ito. Kumikita ang mga corrupt BuCor officials ng P800,000 bawat buwan sa gawaing ito.

Kumikita rin umano ang mga corrupt sa mga ipinapasok na kontrabando --- shabu, cell phones, alak, sigarilyo. Pinagkakakitaan din ang “special requests” ng mga high profile na bilanggo na mag­karoon ng party sa loob kung saan ay may iimbi­tahing mga babae mula sa ibang bansa at mana­natili sa Bilibid ng ilang araw.

Dahil sa pag-abuso sa GCTA, lumawak pa ang nahalukay sa Bilibid na walang ibang salarin kundi ang mga “bulok” na opisyal, empleyado at guard. Nararapat lang na alisin lahat ang opisyal at pati mga guard. Kung hindi sila wawalisin, magpapatuloy ang katiwalian. Ngayon na ang tamang panahon para linisin ang marumi at mabahong BuCor.

vuukle comment

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with