Patay dahil sa traffic
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

NAKALULUNGKOT ang pangyayaring namamatay ang mga pasyente habang bumibiyahe papuntang hospital dahil sa tindi ng trapik partikular kung sa EDSA daraan. Ninety five percent pa sanang mabubuhay ang pasyente kung dire-diretso ang biyahe pero dahil natetengga ang ambulansiya sa daan, doon pa lamang ay binabawian na ng buhay.

Ang sa akin lang naman ay ito, bilang isang motorista kapag nakarinig na ng sirena o wangwang ng ambulansiya, pulis at bumbero, magkusa na tayong gumawa ng paraan upang mabigyan sila ng daan. Ibig sabihin emergency ‘yan. Kailangang makarating agad sa ospital.

Ipinagyayabang ng MMDA at HPG na mabilis ang biyahe Quezon City hanggang Makati. Makukuha lang ng limang minuto sa gabi. Natural tulog ang karamihan sa ganoong oras. At mabuti sana kung sa gabi isinugod ang pasyente at mabilis lamang ang biyahe. Hindi natin malalaman ang oras ng emergency dahil sa isang iglap darating ‘yan.

Naiintindihan ko ang ibang motorista na gustong tumabi at bigyan ng daan ang ambulansya pero ang problema kung sa unahan pa lamang ay buhol-buhol na, wala ring magagawa.

Maraming nagsasabi na ang isang solusyon sa trapik ay bigyan ng emergency power si President Digong. Para sa akin, baka ito naman ang maging umpisa ng martial law dito sa Luzon. Tulad ng ginawa niya sa Mindanao, hindi niya naubos ang mga terorista sa unang taon ng martial law. Ano ang ginawa? Humingi na naman ng extension ng martial law. Ang ikinakabahala ko lang naman, paano kung pumalpak sa unang taon?

Kaya lalong tumitindi ang trapik dahil sa coding system. Bumibili ng sasakyan ang ating mga kababayan upang may pansalit sa coding na sasakyan. Lumalabas sa pag-aaral na halos P3.5 billion kada araw ang lugi ng gobyerno. Para sa akin, disiplina lang ng mga motorista ang makakaresolba sa trapik.

EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with