Huwag babuyin
REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda (Pilipino Star Ngayon) - September 11, 2019 - 12:00am

LUNES pa nang nabalitang may natagpuang mga baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF) sa ilang farm sa Rizal at Bulacan. Agad pinatupad ng ating magaling na ekspertong Kalihim ng Agrikultura William Dar ang kaukulang quarantine at monitoring protocol nang hindi kumalat ang peste sa iba pang mga piggery. Ang sinusunod dito ay ang 1-7-10 formula. Ang mga baboy na napapaloob sa 1 kilometer na distansiya, automatic na patutu­lugin. Kapag nasa 2 hanggang 7 kilometro, oobserbahan. Sa 10 kilometers, deklaradong food security area.

 Sa kabila nito, siniguro ng ating mismong Kalihim ng Kalusugan, Francisco Duque na hindi naman dapat mag-alinlangan ang publiko sa kanilang kaligtasan. Ang ASF ay deadly para sa mga baboy subalit ito ay walang epekto sa mismong tao.

Kung kaya naman hindi tayo nagpaawat kahapon sa paboritong mga pagkain gaya ng dinuguan, tokwa’t baboy at sisig. Sina Secretary Dar at Duque rin, sa harap ng media at ng bansa, ay hindi nag-atubiling magboodle fight at lumamon ng litson at iba pang ulam na baboy.

 Huwag na rin sana tayong makadagdag pa sa posib­leng paglala ng problema. Maging maalam tayo. At basta ba ang kinakain ng publikong produkto ng baboy ay ga­ling sa mga suking tindahan o sa mga may kumpiyansa tayong outlet, walang dahilan upang mabahala.

Maging ang World Organization for Animal Health ang naniguro na ang ASF ay baboy lang ang tinatablahan. Kapag big­lang bumagsak ang presyo ng baboy, tataas naman ang demand para sa iba pang karne tulad ng manok o baka. May epekto rin ito tiyak sa inflation at sa huli, dagok din sa ekonomiya.

 Hindi pababayaan ng pamahalaan na magkaroon ng hysteria sa pagkain ng pork. Ang sektor ng babuyan ay isang P260 billion na industriya. Kapag hindi ito pinroteksiyunan, lubhang napakaraming maapektuhan.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with