^

PSN Opinyon

Wala pang 10%

K KA LANG? - Korina Sanchez - Agence France-Presse

NASA 76 pa lang na mga nahatulan para sa “heinous crimes” ang sumunod sa utos ni President Duterte na bumalik sa kulungan para tapusin ang kani-kanilang mga sentensiya dahil hindi sila puwedeng isama sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). Nagbigay ng taning na 15 araw ang Presidente para bumalik ang 1,900 bilanggo. Pero sa ngayon, wala pang 10 porsiyento ang bumabalik sa kulungan.     

Hindi pa alam ang sunod na kilos o utos ni Duterte kapag lumipas na ang taning at marami ang hindi pa sumusuko. Siyempre kapag lumipas ang taning at hindi pa sumuko, ibig sabihin wala talagang planong sumuko at bumalik sa kulungan. Ito ang sinasabi kong sakit ng ulo ng gobyerno dahil sa maling interpretasyon ng GCTA. Hindi talaga dapat pinalaya ang mga iyan. Dahil nakatikim muli ng kalayaan ay baka hindi na makuhang bumalik sa kulu­ngan. Magiging marahas na ba ang pag-aresto sa kanila, kung sakali?    

Patuloy naman ang imbestigasyon sa Senado, kahit sinibak na si BuCor director Nicanor Faeldon. May mga lumulutang na testigo na nagpapahayag na may presyo nga ang maagang kalayaan sa NBP. Ilang opisyal ng BuCor ang pinangalanan na, na agad namang itinanggi ang mga paratang. Sana ay hindi lang mga pahayag ang lumabas kundi mga ebidensiya na rin, para patunayan ang korap­syon na nagaganap sa NBP.

Dahil naging mainit na isyu ang GCTA at muntikang pagpapalaya kay Antonio Sanchez, medyo nalihis ang atensiyon natin sa isa pang isyu na mahalaga rin sa bansa, ang South China Sea (SCS) at ang desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration na hindi tinanggap ni Chinese President Xi Jinping nang humingi ng paumanhin at banggitin ni Duterte sa kanya.

May mga nagsasabi na hindi dapat ganyan ang pag­lapit ng isyu kay Xi Jinping dahil lumalabas na hindi talaga seryoso ang posisyon ng bansa. Hindi naman daw binibitawan ng administrasyon ang isyung ito. Seryoso raw ang administrasyon hinggil sa mga inaangking terioryo sa SCS. Pero malinaw na hindi kayang iangat ng patas sa China.

vuukle comment

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with