Wala nang padrino sa pagpasok sa PNP
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Agence France-Presse) - September 10, 2019 - 12:00am

BAWAL na ang “padrino system” sa pag-recuit ng bagong pulis. Ito ang inihayag ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar. Nagalit si Eleazar sa pagkakasangkot ng mga pulis sa corruption, kidnapping at recycling ng drugs. Ang mga ito ang humahatak sa imahe ng kapulisan. Kaya upang matigil na ang ganitong kalakaran, ipaiiral ang mahigpit na pagpili sa mga ire-recuit.

Sa kauna-unahang pagkakataon, gagamitin ng PNP ang bar coding system, kung saan sa pagpasok, bawat apli­kante ay binibigyan ng secret code na walang ibang naka­aalam. Ngayong taon, lahat ng 4,000 applicants ay sumailalim sa parehong physical at agility tests, kabi­lang ang neuro-psychiatric exam nang walang interventions mula insiders. Sinabi naman ni Eleazar sa mga apli­kante na dapat makapasa sila sa sariling sikap. “Walang padrino, walang sponsor, walang nakiusap na pulitiko at walang mayaman, walang mahirap,” ayon sa NCRPO chief.

Batay sa resulta, karamihan sa mga aplikante ay may unprecedented academic averages na 85% pataas sa ka­nilang college subjects, hindi tulad ng dati, kung ka­ilan kara­mihan sa mga aplikante ay nakakakuha lamang ng 80% pababa sa kanilang school transcripts. Ayon kay Eleazar, napapanahon na para kumuha ng pinakamahusay na pulis.

Nabatid na bago ang recruitment innovations, ang mga tiwaling aplikante ay misteryosong nakakapasa sa lahat ng pagsu­sulit, kabilang ang neuro-psychiatric exam, sa pamamagitan nang panunuhol at “koneksiyon”.

Ayon kay Eleazar, ito ang dahilan kaya ma­raming mga pulis ang naririnig natin na nagre-recycle ng ilegal na droga, sangkot sa hulidap, parricide, rape, murder at nagkakaroon ng internal conflicts sa pagitan ng superiors at subordinates, na nagreresulta sa pagkamatay.

Sa pagpasok sa police service, korapsiyon ang iniisip umano ng mga ito na pamamaraan ng pamumuhay at dito nga ang kanilang kinahihinatnan. Bilang pauna, mayroon umanong 300 millennial cops ang unang batch na na-hire sa serbisyo. Hinamon sila ni Eleazar na maging tapat sa serbisyo at may kumpiyansa sa kanilang performance at morals. “We will train you well and we know that from this core will come some of the best policemen and officers in history of the PNP,” sabi ni Eleazar.

Napapanahon na gawing professionalize ang “police recruitment system” upang maiwasag makapasok sa serbisyo ang scalawags, misfits, corrupt, at “crazy” cops. Ito ang paiiralin ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at Eleazar upang maibalik ang respeto ng mga tao sa mga pulis.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with