^

PSN Opinyon

James Tempongko, ang katiwala ni Isko

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BIRTHDAY bukas ni James Tempongko, ex-9 termer barangay captain ng Barangay 86 Zone 7, District 1 ng Tondo sa Maynila.

Si James ang batang sarado ni Manila Mayor Isko Moreno, kaya naman darating ang huli sa matindihang tsibugan sa haybol ng una.

Binabati si James ni Anita, ang watot nitong kasalukuyan chairman ng barangay, mga anak na sina Jamie Anne, Anica Mae at Joyce Anne, at mga kapamilya tulad ni Dr. Harold Tempongko, etcetera.

Iniimbitahan ni James na magpunta bukas ang lahat ng kapitbahay nito mga kaibigan sa haybol niya.

Abangan.

Alyas Papa G, malapit nang sipain

ILANG tulog na lang at malamang maglahong parang bula sa kanyang trono dyan sa mala - palasyo niyang kinauupuan si alyas Papa G dahil halos wala ng gana at buwisit na buwisit na ang kanyang mga bossing sa kanya sa mga pinaggagawa nitong kabobohan sa pagpapatakbo sa airport.

Sabi nga, babay!

“Hindi na nga halos makita ang anino nito sa paliparan dahil kung pumasok daw ito ay 6pm na?” sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumawa pa diumano ng gimik itong si alyas Papa G dahil gusto niyang ipakuha sa kanyang bossing sa DOJ ang kanyang inuupuang trono sa anidoro este mali airport pala para alisin ito sa ilalim ng BI.

Naku ha!

Totoo ba ito?

Bakit?

Kaya nang makarating ito sa kaalaman ng mga taga-BI ay nabuwisit sa kanya ang karamihan sa mga ito.

Sabi nga, naging gahaman sa kili-kili power este mali power lang pala!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nawalan ng respeto ang mga dating kaalyado ni alyas Papa G sa airport dahil sa pagiging “flip” nito kaya naman ang iba sa mga ito ay hindi na siya binibigyang importansiya tulad ng ginawa sa kanya noong una itong tumuntong at umupo sa anidoro este mali trono pala sa airport.

Pinaalalahanan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi dapat matulog nang mahimbing si alyas Papa G sa kanyang kama dahil oras na magising siya baka sa sahig na siya pulutin. Hehehe!

Abangan.

Pabigatin ang parusa sa child trafficking

IKINASIYA ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez ang pagkakahuli ng NAIA-Bureau of Immigration sa pagtatangka ng isang American woman na ipuslit palabas ng Philippines my Philippines ang isang 6-day old baby boy na ipinasok nito sa oversize belt bag para dalhin niya sa US of A, habang nag-aantay ng Delta Air flight 198 sa NAIA T3.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Romualdez, ang chair ng House Committee on the Welfare of Children, at tinatawag ang kanyang mga kasamahang kongresista na suportahan ang mga hakbangin na magpataw ng mabigat na parusa sa human trafficking, lalo na sa child smuggling.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi maintindihan ng kongresista kung paano ang isang babae, mother of five, na isilid ang sanggol sa malaking belt bag nito at dalhin sa America.

Ika nga, napakalupit nito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa pangyayari sa paliparan ay tatalakayin ng Komite ang posibilidad na amyendahan ang batas sa human trafficking at bigyan ng karagdagang parusa ang child smuggling.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pabor si Romualdez na magpataw ng mabigat na parusa laban sa child smuggling kaya naman umaasa siya sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na palawakin ang kanilang buong suporta sa naturang hakbangin.

Ang Republic Act (RA) No. 10364, na pinalawak ang batas sa human trafficking ay nagpapataw ng parusang pagkabilanggo ng 15 taon at multang hindi bababa sa P500,000 ngunit hindi hihigit sa P1 milyon sa mga napatunayang nagkasala sa Attempted Trafficking in Persons.

Tirada ni Romualdez, marami pang batas ang kanilang pag-uusapan para pabigatin ang parusa sa child trafficking.

Abangan.

vuukle comment

JAMES TEMPONGKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with