‘Bato-bato sa langit, tamaan ‘wag magagalit’
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - September 8, 2019 - 12:00am

MULA nang maging PNP chief si Sen. Bato dela Rosa, isa ako sa mga napabilib niya. Sa rami ng bumatikos sa kanyang Oplan Tokhang kailan man, hindi ko siya kinontra dahil naniniwala ako kung gaano katalamak ang droga sa ating bansa. Hanggang naisipan niyang kumandidatong senador tuloy pa rin ang suporta ko sa kanya dahil pareho kaming pro-death penalty.

Pero sa isang iglap nagbago ang ihip ng hangin nang sabihin niyang maaaring bigyan ng second chance ang rapist-murderer na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez. Sa puntong ito, akin siyang kokontrahin sapagkat naniniwala ako na ang mga high profile criminals ay wala nang karapatang lumaya. Pabayaan na lang silang pagbayaran ang nagawang kasalanan sa kulungan.

Para sa akin, kung ang lahat ng bilanggo ay puwedeng bigyan ng second chance, paano na ang pamilya ng biktima. Maraming pamilya ng mga biktima ang naubos ang pera at kabuhayan sa kakabayad  ng abogado para lamang maipanalo ang kaso laban sa mga suspek at makamtan ang hustisya.

Ang masakit, hindi pa napagbabayaran ng suspect ang ginawang karumal-dumal na krimen, dadaanin na sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at palalabasin na. Siguro nga sa tamang presyo? At magkano?

Habang lumalalim ang imbestigasyon sa GCTA, nauungkat ang baho ng BuCor officials mula sa taas hanggang sa pinaka-mababang ranggo. At mabuti na rin na lumabas sa balita ang paglaya ni Sanchez na kliyente ni Presidential Spokesman Salvador Panelo. Itodo man ang tanggi, mas marami pa rin ang naniniwalang isa siya sa arkitekto ng pagpapalaya kay Sanchez.

Sabi ni President Digong, makaamoy lang siya ng corruption tanggal agad sa puwesto ang government official. Pero dapat tuluyan nang tanggalin at huwag nang ilipat. Ang hirap ililipat-lipat lang ng puwesto ang mga tinanggal niya. First chance is enough. Kasalanan nila dahil hindi pinagbuti ang trabaho.

BATO DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with