^

PSN Opinyon

Masaker (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol sa epekto ng mga sirkumstansiyang kaakibat ng krimen na pananagutan ng isang akusado. Puwede silang makalusot o kaya ay lalong madiin sa kaso. Maaaring idahilan nila ang takot o kaya ay gamitin ang kataksilan, sadyang pagpaplano ng krimen, edad, kasarian at lakas ng katawan. Puwede rin na gamitin ang pagdidilim ng isip, kusang pagsuko at iba pang sirkumstansiya para sa ikagagaan ng kaso. Kailan ba gagamitin ang mga sirkumstansiyang ito? Paano rin ito papatunayan. Ito ang mga isyung sasagutin sa kaso.

Ito ang kaso ni Dr. Bobby Santos at asawa niyang si Karla na nakatira sa isang siyudad kung saan may clinic ang lalaki. Kasama nila sa bahay ang nanay ng doktor na si Lola Remedios, ang matandang babae na katulong nila na si Rowena at si Jing-jing, isang 9-anyos na batang inampon at nasa pangangalaga ng mag-asawa. Nagtatrabaho sa kanila bilang boy ang 18 anyos na si Fred na siyota naman ni Arlene pati ang kamag-anak ng lalaki na si Roy.

Nangyari ang krimen isang hapon nang pauwi na si Jing-jing sa kanilang bahay galing eskuwelahan. Nang makarating siya sa bahay ay sinunggaban siya sa leeg ni Fred at halos mapatay na sa pagsakal. Tinakot siya na huwag sisigaw at kung hindi ay papatayin siya.

Sa sobrang takot ng bata, napasunod na lang sa utos ni Fred. Napansin ni Jing-jing ang kanyang Lola Remedios na papasok sa bahay. Biglang sumulpot si Roy sa sala at sinunggaban sa leeg ang matanda at kinaladkad malapit sa banyo.

Bandang huli, napansin na lang ni Jing-jing ang walang buhay na katawan ng matanda na nakabulagta sa sahig. Walang anumang  ipinasok ni Roy ang bangkay sa banyo. Bandang 4:30 ng hapon, dumating si Dr. Santos at sinalubong nina Fred at Jing-jing samantalang nagtago si Roy sa banyo. Tapos ay may narinig si Jing-jing na bumagsak sa sahig.

Nakahandusay na roon ang katawan ng doktor. Kinaladkad ang katawan nito papunta sa tabi ng bangkay ni Lola Remedios. Ang matanda ay umuungol at dumadaing pa hanggang sa tuluyang huminto ang ingay. Tumunog ang doorbell at si Karla naman ang sumunod na dumating.

Tinutukan siya ng baril ni Roy at pagkatapos ay inutusan naman ni Fred na buksan ang clinic pati ang kaha de yero roon na naglalaman ng pera. Pinapasok nila ang babae sa clinic at pagkatapos ay nilimas.  Nang matapos limasin  ang lahat ng pera at mahahalagang gamit doon. Nakita na lang ni Jing-jing ang nagkikikisay na katawan ng mommy Karla niya sa sahig ng banyo.

Pagkatapos ay nagpunta sila sa garahe. Nakita ng bata si Roy na may hawak na palakol. Sinabi nito na pinatay na rin niya si Rowena na matandang dalagang katulong nila. Naghanda na silang umalis at dumiretso sa bahay ni Arlene. Inamin ni Fred sa nobya na pinatay nila ang buong pamilya ni Dr. Santos pati katulong nito.

Sumunod na araw, pumunta naman sila sa tiyuhin ni Fred at pagkatapos ay dumiretso sa isang isla sa Visayas para magtago.

(Itutuloy)

vuukle comment

BOBBY SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with