Humanda na kayo mga taga-BuCor na ‘nambukol’
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 - 12:00am

LUSOT na sana ang drug lords, rapist, murderers kung di naging maingay ang sambayanan sa takdang paglaya ni ex-Calauan mayor Antonio Sanchez. Kaya sa mga taga-Bukol este BuCor mawawalan sila ng trabaho kapag napatunayan na pinagkakuwartahan ang mga kaanak ng mga presong nakalaya sa GCTA. Tiyak na samu’t saring kaso ang isasampa sa kanila. Baka malagay pa sa balag ng alangainin ang kanilang buhay dahil sa poot ng mga kaanak ng kanilang ginatasan. Di ba mga suki?

Kilala naman natin si Duterte na tinitingala ang kanyang katauhan at oras na ikumpas nito ang kanyang kamay tiyak na may kahinatnan ang tinutukoy nito. Sa unang sigwada, walang pakundangan na pinatalsik niya si BuCor chief Nicanor Faeldon matapos na suwayin ang utos nito na huwag palayain si Sanchez. Malamang ito ang maging daan na mapaimbestigahan ang yaman ni Faeldon sa mga susunod na mga araw. Kaya hindi rin makakaligtas ang mga opisyales ng BuCor na sangkot sa pagproseso ng mga binigyan ng kalayaan. Pera na naging bato pa!

Sinamantala ang Republic Act 10592 at ginamit ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) para mapadali ang paglaya ng 2,000 bilanggo na sangkot sa heinous crimes. Kaya malaking problema na naman ito ng PNP. Ipinag-utos ni Duterte sa PNP at AFP na hulihin at ibalik sa Bilibid ang mga presong pinalaya. Masakit ito para sa mga nagbigay ng pera kung may katotohanan man na nalagyan ang mga opisyales ng BuCor.

Ngunit may kababaan din ng loob si Duterte dahil nanawagan siya na sumuko na lamang nang matiwasay ang mga napalaya at binigyan ng 15 araw na taning. Sa mga magmamatigas huwag kayong kukurap dahil magi-ging madugo na ang kasunod na kabanata. Bawat susuko sa PNP at AFP ay ibabalik sa sa BUCor para repasuhin ang paglaya. Isang makataong proseso ito para sa inyo na mga presong nakalaya dahil sa lagayan system.

Samantala mukhang hindi pa kuntento si Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon sa paghalungkat ng mga baho sa BuCor. May nasisilip pa siyang kabalbalan at kutsabahan sa BuCor. Kumbinsido kasi si Gordon na nagsisinungaling si Elvira matapos tanungin kung sino ang kanyang kontak sa paglaya ng kanyang asawang si Sanchez. Ayon kay Elvira, sinira niya umano ang kanyang cell phone at sim card subalit natatandaan naman niya ang numero nito.

Tiyak na hahalungkatin itong maigi ni Gordon na bihasa sa wire tapping sa tulong ni Sen. Panfilo Lacson. Sa cell phone conversation kasi malilinawan kung sino ang kausap nito at tiyak na naka-record ito na hindi maitatago basta-basta oras na obligahin ng Senado ang telephone company. Kung sabagay may mga alas pang hawak ang Senado sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto. May mga witness pang ilalantad sa mga darating na araw na magpapatunay at magtuturo kung sinu-sino ang nagkapera sa pagpapalaya ng mga bilanggong may karumal-dumal na kaso. Abangan.

ANTONIO SANCHEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with