Gobyerno pinaka-malaking problema raw ng taumbayan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2019 - 12:00am

GOBYERNO ang pinaka-malaking problema ng Pilipino. Beteranong opisyal ang nagsabi niyan, dating National Police chief at tatlong terminong senador si Panfilo Lacson. Pinaka-nakakasira ng kinabukasan ng mamamayan ang gobyernong tiwali at tuliro. Ninanakaw lang o winawaldas ang yaman ng bayan. Mali ang direksiyon. Wasak ang moralidad at edukasyon. Pabigat sa balikat.

Pero gobyerno rin ang pinaka-inaasahan ng tao. Batay sa mga batas na pinapasa at pinapatupad, nagkakahustisya, umuunlad ang ekonomiya, nasasawata ang krimen, napapalinis ang kapaligiran, napapangalagaan ang kalusugan, nagkakapag-aral, nagkakatrabaho, nagkakabahay, nakaka-kain nang sapat, nakakapag-pahi­nga at retiro.

Sa China walang karapatang umangal at magtipun-tipon ang tao. Pero kung naisin ng gobyerno, nakaka­pagpabuti ito sa lahat.

Nakita ko ito sa higanteng lungsod ng Guangzhou­ (Canton). Labinlimang milyon ang populasyon, at 743,400 ektarya ang lawak -- parang Metro Manila. Naghalong mga bahayan, opisina, pabrika, eskuwela, plaza, palengke, kalye, at sasakyan. Pero walang baha, walang maruming kanal, walang tigang na tubig na iniitlugan ng lamok, walang basurang nilalangaw. ‘Yun ay dahil masinop ang street leaders, mga pinuno ng mamamayan at tagapagpatupad ng batas sa bawat bloke. Kaya naman wiling-wili ang mga dayuhan na doon magsagawa ng conventions, trade fairs, at iba pa. Patuloy ang kaunlaran.

Nu’ng 2016 pinasya ng gobyerno ng China na iangat­ ang buhay ng pinaka-mahihirap sa kanayunan. Sino sila, inalam ng pinuno ng bawat baryo. Walang iba kundi ang mga may-kapansanan, matatandang maysakit, at mga abandonado. Bawat isa sa kanila -- milyun-milyon sa buong bansa -- ay nilista at binisita. Binigyan ng trabaho, training, aruga, at gamot. Sa isang kisap, nabawasan ang karalitaan. Napasaya ang mga baryo. Naging mas produktibo ang lahat.

PANFILO LACSON
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with