Same-sex marriage ibinasura ng SC
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

SA botong 15-0, ibinasura ng Supreme Court (SC) ang same-sex marriage. Nalusaw na ang pangarap ng bakla at tomboy na maging legal ang pagsasama nila ng kan­­yang partner. Malabo nang mangyari sa ating bansa ang kasalan ng parehong kasarian. Puwede pa rin naman itong gawin pero dadayo pa sila sa ibang bansa kung saan legal ang same-sex marriage.

Masaya ako sa naging desisyon ng SC. Ako ay nani­niwalang ang lalaki ay para sa babae. Ang kasal ay isang sagradong basbas. Kaya nga nilikha ng Panginoon sina Adan at Eva ay upang maging batayan sa pagpili ng ating makakasama sa buhay­. Tingnan na lang natin sa mga relihiyon wala pa akong nabalitaang simbahan na nagbasbas ng kasal sa mga bakla at tomboy.

Sa kasalukuyang henerasyon, tanggap na sa lipunan ang mga bakla at tomboy. Dati kasi karamihan sa mga ‘yan ay tinatago ang tunay na pagkatao sa kanilang pamilya marahil siguro sa takot. Kasi noon, bihira sa mga magulang na tanggapin na ang kanilang anak ay isang binabae o nilalaki lalo na sa ating mga ama.

Pero ngayon isinantabi na ang ganyang paniniwala­ dahil sila ngayon ay naglaladlad na. Musmos pa lamang­ ay nakikitaan na natin ng tunay na pagkatao. Malimit mapansin ito sa isang bata sa pagpili ng laruan.

Kamakailan lamang naging kontrobersiya ang isang bakla dahil gustong gumamit ng comfort room para sa babae. Natural maiilang ang mga tunay na babae dahil pagbali-baliktarin man, lalaki pa rin itong matatawag. Kawawa ang janitress dahil ginawa lamang ang trabaho lumalabas pa na siya ang nagkasala.

Hindi ako galit sa mga bakla at tomboy pero kaila­ngang magising sa katotohanan na ang mga lalaki ay para lamang sa mga babae.

SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with