Mahirap maging Kristiyano nitong modernong panahon
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

MISMONG si Cardinal Luis Antonio Tagle ang nagsabi, mahirap maging Kristiyano ngayong modernong panahon. Maraming dahilang binanggit ang arsobispo nang pinaka-malaking Archdiocese of Manila:

l Kristiyano ang target ng mga terorista ng iba’t ibang relihiyon. Dahil marahil ito sa pagiging mapagtimpi ng Kristiyano. Pangaral sa Kristiyanismo na huwag manakit, mandahas, o maghiganti: “Ibigay ang kabilang pisngi.” Tinutu­ring ito ng terorista na kahinaan.

l Binabago ang kagawian batay sa maling turo. Ehem­plo nito ang pagbura sa relihiyon alang-alang sa sekula­rismo. Tama lang na ihiwalay ang Simbahan sa Estado; dapat talaga huwag magsulong ang Estado ng anumang sampalataya. Pero sobra na kung ibabawal ang pagbati ng mga opisyales ng gobyerno ng “Maligayang Pasko” dahil ipinagbubunyi nito ang pagsilang ni Hesukristo. Kaki­tiran ng isip ibawal ang pagtawag sa Diyos na “Allah” dahil umano ang huli ay para lang sa Muslim. Ang totoo, ang “Allah” ay katagang Arabo, hindi lang Muslim, para sa kahit sinong Diyos.

l Natatakot ang mananampalataya sa abusadong pari. Maraming nabistong pangmomolestiya ng obispo at pari sa mga parokyano. Maraming biktima ay mga bata at babae. Mabagal ang pagtutuwid ng Simbahan. Itinago ang krimen, inangat pa ang mga may sala at hiniya ang mga umangal. Ngayon lang nabatid na mas tatatag ang Kristiyanismo kapag naiwaksi ang mali. Ganunpaman, nangi­ngilag pa ang nakararami.

l Nawawalan ng gana ang Kristiyano sa makikitid na pananaw. Nu’ng dekada-1960 ay may mga makalumang obispo na nagsabing ang “rock-n-roll ay gawa ng de­monyo.” Nabuwisit ang kabataan. ‘Di naglaon inimbento ng mga makabagong pari ang Jazz Mass, tinatampukan ng mga masasayang awiting pop, ballad, at rock. Pero meron pa ring mga pari, madre, at pinunong layko na makitid mag-isip. Kesyo hindi raw maaring benditahan sa simbahang Katoliko ang yumaong mason, o ikasal ang anak ng magka-live-in. Mga anay sila sa simbahan.

LUIS ANTONIO TAGLE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with