^

PSN Opinyon

Hindi puwedeng palampasin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAWANG may kontrobersiyang nagaganap kahit saan ilagay si BuCor director-general Nicanor Faeldon. Nang inilagay siya sa Bureau of Customs (BOC), P6.4 bilyong halaga ng shabu mula China ang nakapasok sa bansa at pinalusot ng Customs. Natagpuan sa isang warehouse ang shabu.

Nagmatigas at naging arogante siya sa pagdinig sa Senado hinggil sa nasabing pagpasok ng ilegal na droga pati na rin ang matinding korapsyon na nagaganap sa BOC, kaya ipinakulong ng ilang buwan. Bumitiw sa puwesto, pero inilagay naman ni Pres. Rodrigo Duterte sa BuCor nang umalis dito si dating PNP chief Bato dela Rosa para tumakbong senador.

Ngayon, ang pagpapalaya naman kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez sa ilalim umano ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang kanyang ipinaliwanag sa pagdinig ng Senado kahapon. Hindi kuwalipikado si Sanchez para sa GCTA dahil “heinous crime” ang kanyang krimen. Ayon sa batas na naglikha ng GCTA, hindi kuwa­lipikado ang mga nakulong dahil sa mga nasabing krimen.

Pero may utos na palayain na si Sanchez ng Agosto 20 na pirmado pa umano ni Faeldon. Ito ang iginigiit ng pamilya ni Sanchez, na susunduin na nga ang kriminal na mayor at may handa na para sa kanyang paglaya. Pero dahil sa tindi ng batikos na inabot ng gobyerno, nahinto ang pagpapalaya kay Sanchez at binago ng mga opisyal ang kanilang mga pahayag.

Naisiwalat na 1,914 na mga bilanggo na may “heinous crimes” ang napalaya na mula 2014 dahil sa GCTA, ka­bilang ang ilang taga-China na nakulong dahil sa ilegal na droga. Ang balita ay pinabalik na nga sa China. Napakasuwerte talaga ng mga taga-China sa ilalim ng administrasyong ito, kahit kriminal pa. Pero hindi nga sila dapat kuwalipikado. Kaya hindi lang si Faeldon ang dapat maim­bestigahan nang husto ng Senado, kundi pati na rin si Se­nator Dela Rosa na dating BuCor chief, at lahat ng naging BuCor chief mula 2014.

Problema ngayon kung paano ibabalik ang mga pinalaya na. May mga nagsasabi na hindi na puwedeng gawin iyan, kontra sa pahayag ng Palasyo na kailangang ibalik ang mga bilanggo para tapusin ang kani-kanilang sentensiya dahil hindi naman daw sila kuwalipikado na mapalaya sa ilalim ng GCTA.

Hindi puwedeng palampasin ang nangyaring ito. Malinaw ang mga alituntunin ng GCTA kaya kung bakit pinalaya ang mga iyan ang dapat imbestigahan. Panagutin kung sinuman, kahit malakas pa sa Presidente, ang nagbigay pahintulot na makalaya na ang halos 2,000 bilanggo, kasama sana si Sanchez, mga Chinese drug lord, mga pumatay sa magkapatid na Chiong pati mga drug lord na tumestigo laban kay Senator De Lima. May naaamoy ba kayo?

vuukle comment

NICANOR FAELDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with