^

PSN Opinyon

Subukan muna ang ‘vehicular brand reduction program’ bago magreklamo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw magkakaroon ng tagisan ng talino para makatulong ang madlang public sa malubhang traffic sa EDSA at karatig lugar dahil pagpupulungan sa MMDA raw ang tungkol sa “vehicular brand reduction program”.

Sabi nga, ito ang maganda at tiyak ang traffic sa EDSA at Metro-Manila ay mababawasan ng malaki!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag naaprubahan ang panukalang ito ay ipagbabawal sa kalye base sa ‘vehicle make’ ang mga sasakyang mapag-uusapan at maaaprubahan ng mga pa-bright-bright sa araw na hindi sila puedeng lumabas ng kalye.

Halimbawa, ang Toyota vehicles, lahat ng klase ng mga sasakyan nito ay bawal kapag araw ng Lunes sa kalsada, Mitsubishi - Martes, Honda - Wednesday echetera. Huwag kalimutan ang mga imported cars na isama rin pero isingit sila kung anong araw sila puedeng ibawal sa kalye.

Sabi nga, Monday to Friday lamang ipatupad ang vehicular brand reduction program!

Ang mga public buses, jeepneys, motorcycles, tricycles at mga trucks ay dapat ipairal pa rin ang “color coding” sa mga ito. Tingnan muna ng gobierno kung mabisa ito bago magdadadaldal ang MMDA.

Hulihin pa rin ng PNP-HPG ang mga colorum na pampublikong mga sasakyan kasama rito ang mga jeepneys.

Pagmultahin ng malaki ang mga lalabag sa batas trapiko!

Ika nga, iyong hindi na sila uulit sa laki ng multa. Hehehe!

Maganda rin ang naisip tungkol sa gawing one-way ang EDSA sa mga sasakyan going south pero malaking problema oras na bumalik ito gamit ang C-5 road up to Monumento.

Kung aantayin natin ang mga kalsadang ginagawa ngayon ng gobierno para madaanan ng mga sasakyan ay napakatagal pa nito.

Alalahanin natin P3 billion a day ang nawawala sa gobierno dahil sa traffic. Ngayon kapag nagawa na ang mga skyways sa kalakhang Metro Manila, puede nang ibalik sa normal ang “vehicular reduction scheme”. 

Ano sa palagay ninyo? Abangan. 

Sept 6, araw ng mga Tempongko

BAKIT?

Sagot - Kaarawan ni Fedeliza J. Tempongko, 57 years old na ito sa Biernes pero 1st year death anniversary naman ni Deogracias D. Tempongko, dating police Manila kaya ipagsasabay na lamang ang tsibugan blues ng dalawa.

Saan - Sa 638 Gerona St. Tondo, Manila, kaya ang kahabaan ng kalsadang ito ay malamang isara pero ang madlang people na dadaan o makiki-birthday ay imbitado.

Sabi nga, huwag mahiya, kahit hindi kayo kakilala ng pamilya Tempongko ay puede kayong dumalo at tsumibog !

Katakot-takot na handa ang ihahanda ni Lola Cecilia Tempongko, pinag-ipunan ito ng isang taon kaya naman ang hindi dadalo sa anniversary ay magsisisi. Hehehe !

Pinababati nina Ceasar Tempongko, ang kanyang watot na si Fedeliza, mga anak na sina Dr. Harold Tempongko, ng Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital, Caloocan Hospital at IM dialysis clinic, May Anne T. Ferrer, John Errol at Diane Grace, Barangay Capt. Anita Tempongko at watot nitong former Bara-ngay Chairman James Tempongko !

Kambiyo issue, imbitado ang lahat ng mga doktor at nurses sa ospital ni Dr. Harold sa Biernes.

Sa mga miembro ng ‘tropang balot’ huwag na kayong magdala ng plastic porke may bayong na kayong lalagyan ng mga pagkain.

Ano pa inaantay ninyo dayo na at punta na sa Biernes ng hapon! Abangan.

vuukle comment

MMDA

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with