Pakitang gilas ang mga bagitong mayor
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2019 - 12:00am

MAGANDA ang kinalabasan nang nakaraang election. Maraming bagitong kandidato ang nanalo mapa-national man o local. Dito sa Metro Manila, mga bagitong kandidato ang nanalo tulad nina Isko Moreno, Joy Belmonte, Vico Sotto, Francis Zamora at Abby Binay. Binigyan ng mga botante ng bagong mukha at bagitong pulitiko.

Sa unang buwan pa lamang ng kanilang panunungkulan, kanya-kanya nang pakitang gilas. Hindi kaya ningas-kugon lamang ang mga ito? Huwag naman sanang sayangin ang tiwalang binigay sa kanila ng mga botante. Diyan natin makikita na ang taumbayan ay matalino na sa pagboto. Hindi basta-basta ang taong nakabangga ng mga nanalong mayors dahil ang iba riyan ay ilang taon na sa termino.

Binigyan na nang bagong mukha ang pulitika sa ating bansa. Nag-umpisa nang manalo ang mga bagitong kandidato at sigurado ako na sa mga darating pang halalan ay pabata na nang pabata ang mamumuno sa ating bansa. Para sa akin, tama lamang na igarahe na ang mga gurang na pulitiko. Tantanan na nila ang pagkandidato. Tayo ay nasa makabago nang teknolohiya kaya nararapat na ang mga nakababatang pulitiko ang mumuno sa bansa.

Bigla ko tuloy naalala si dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Akala natin, maganda at maayos niyang napatakbo ang Maynila, ‘yun pala mas kuminang ito nang si Isko na ang mayor.

Marami nang nakikitang pagbabago sa Metro Manila. Meron na tayong malawak at maaliwalas na kalsadang matagal na panahong inokupa ng illegal vendors. Meron mang umalmang sidewalk vendors sa ginagawang clea-ring operations pero panahon na para bawiin ito at ibigay sa mas nakararami.

Diretso lang sa tamang daan na tatahakin ang mga bagitong mayor upang patuloy ang pamamayagpag n’yo sa pulitika.

MAYOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with