Kabataan sa China abala sa artificial intelligence
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 30, 2019 - 12:00am

PINAKA-MATINDING nagsasaliksik ang America at China sa artificial intelligence (AI), ang kakayahan ng makina mag-isip. Mas mataas ito kaysa karaniwang computer memory, na pagtatabi lang ng data o file. Mas mataas din ito sa calculator, kung saan naka-memory chip ang mga solusyon sa mathematical at engineering problems. Mas mataas ito sa precision tooling sa pabrika sa pamamagitan ng robot arms.

Sa AI, halimbawa, naisusunud-sunod ng Spotify music app ang mga magkaka-panahon at magkakauring awit na nais ng nakikinig. O nakakalikha ng milyong kombi­nasyon ng tira sa board game ng strategy na Go ng Japanese at Chinese. O nakakaanalisa ng magiging fashion, weather o karamdaman batay sa ipinasok na detalye nang daang taon.

Sa pamamagitan ng AI nakakalikha ang makina ng iba pang makina. At napapaisip din ang mga bagong likhang makina. Ehemplo ang aerial drones na pandigma. Ineeksperimento sa America ang padagsang sugod (swarm) papasok ng isang gusali. Kapag nabigo, mag-iisip ang isang drone na pamunuan ang paghanap ng ibang pasukan. Sa China tine-testing ang paghula, batay sa kilos­, tinig, salita, boses, titig, temperatura, pawis, gawi ng tao kung nagbubulaan o may masamang binabalak. Walang pinagkaiba sa imbentong driverless car sa Europe na natu­tuto umiwas sa tao pero hindi sa maliit na lubak batay sa rami ng karanasan, at natuturuan din sa pamamagitan ng signals ang iba pang gan’ung kotse.

Sa pagsusuri ni Kai-Fu Lee, dating presidente ng Google China, lamang ang China sa paggamit ng bagong teknolohiyang AI. Sa America aniya, mga estudyanteng kolehiyo at technologists sa Silicon Valley ang lumilikha ng iba’t ibang gamit ng AI -- kalusugan, pampaganda, sining. Pero sa China isa sa bawat lima ang nanood sa pagtalo ng makina sa world champion ng larong Go. Nainspira sila -- 280 milyon katao -- mag-aral at magnegosyong AI. At kindergarten pa lang ay interesado na.

ARTIFICIAL INTELLIGENCE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with