^

PSN Opinyon

Dapat bang kaawaan?

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Associated Press

RUMARAGASA pa rin ang galit ng lipunan na muntik-muntikan sana tayong nasalisihan ng pagpapalaya ng DOJ at ng Bureau of Corrections (BuCor) kay Antonio Sanchez sa pamamaraan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA). Ito ay ang pagpapalaya ng batas sa mga hinatulan na guilty na nagpakita ng kabutihang asal na magpapa­gaan sa kanilang sentensiya.

Maganda ang hangarin ng batas na ito. Marami sa ating mga kababayan ang karapat-dapat na biyayaan ng ganitong pabuya dahil sila nama’y talagang nagpakabait. Su­balit hindi lahat ng nasa loob ay maaaring makinabang dito. Ang mga paulit-ulit at pasaway sa pagkakasala sa batas, mga nagtangkang tumakas at yung mga hinatulan ng heinous crimes, yung mga pinakamabigat ang kasalanan, ay pawang mga hindi mapapabilang sa GCTA. 

Sa kabila nito, malinaw na pinangalanan nina Kalihim ng Katarungan Menardo Guevara at BuCor Chief Nicholas Faeldon si Sanchez bilang kandidato sa pagkalaya. Agad sinegunduhan ng dalawang big shot ng gobyerno – sina Presidential Spokesman Salvador Panelo at Senador Ronald Bato dela Rosa – ang karapatan ni Sanchez. Kung bakit naman itong pangkat ng apat ay biglaang naging taga­taguyod ni Sanchez ay hindi ko mawari. Duda tuloy ni DFA Sec. Teddyboy Locsin na baka may malagim na sanang balak na naudlot lang.

Sa kabila ng pagpunyagi ng apat, si Sanchez pala ay malamang na hindi rin maisasama ang pangalan dahil (1) nagkasala raw ng kasong drugs habang nasa loob; (2) nakikita raw ito sa kanyang residensya sa Calauan; at, higit sa lahat, (3) dahil ang kanyang kasalanan ay sadyang napa­kabigat. Dahil sa mga ito, hindi siya kuwalipikado sa GCTA. Ito ang posisyon ng mga kontra sa kanyang paglaya.

Si Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ay nagsalita na na siya’y hindi sang-ayon sa pagpapalaya kay Sanchez. Dahil dito,  tumahimik na rin ang pangkat ng apat. Subalit kung si Sanchez ay kontra sa interpretasyon ng Pangulo at nananalig sa karapatan niyang mapagbigyan ng GCTA, malamang sa hindi ay ipaglaban niya ito sa hukuman at hayaan na ang ating mga mahistrado ang magpasya.

vuukle comment

ANTONIO SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with