Mga paaralan ihanda na sa artificial intelligence
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2019 - 12:00am

PABILIS nang pabilis ang computers, at palawak nang palawak ang kapasidad. May mga trabaho ng tao kung saan humahalili na ang robots na may computer brains. Ang pagbuburda ng patch design sa libu-libong kamiseta, halimbawa, ay nagagawa na ng computer-programmed sewing machine.

Hindi na kailangan ng mara­ming trabahador sa pabrika. Dahil sa daan-taong ipinasok na weather data o fashion trends, naa-analisa kung ano ang eksaktong magiging taya ng panahon sa iba’t ibang lugar at usong pananamit ng babae’t lalaki.

Nawawalan ng papel ang karaniwang weather forecaster o apparel artist-designer. Batay sa libu-libong dating x-rays at lab tests, nasasabi ng makina kung ano ang organ na may problema at sakit ng pasyente. Pati espesyalistang doktor ay mawawalan ng saysay.

Sa tantiya ni AI expert Kai-Fu Lee sa librong “AI Super­powers”, kalahati ng trabaho at manggagawa sa mundo ang papalitan ng robots simula dekada 2020. Ang mati­tira ay aasa naman sa AI ng robots sa hanapbuhay. Nag-survey sina pilosopo Vincent Muller ng Eindhoven University of Technology at Nick Bostrom ng Oxford University. Anang respondents, paghandaan na ang paglampas ng talino ng robots sa tao.

Ano ang dapat gawin? Baguhin ang kasalukuyang kaalaman ng workforce ng buong mundo, ani Engineering­ Dean Greg Naterer ng Memorial University of Newfound­land, Canada. Paano ito gagawin? Baguhin ang oryentas­yon at mga kurso sa mga paaralan.

May mga skills na basic kaya dapat matutunan: pag­salita, pagbilang, pagsulat (o pag-type), pakikinig. Pero may ibang maipauubaya ng computers: memorya, ha­lim­bawa. Sa kolehiyo ibahin ang pamamaraan ng pagturo tungo sa pagpapa-isip, pagpapa-likha, pagtatrabaho sa grupo, at pag-uulat ng resulta. Bagamat maglilipana ang robots, kakailanganin pa rin ang galing ng tao: pakikisama, paglutas ng problema, o kumilatis ng emosyon ng kapwa. ‘Yun ang hasain.

ARTIFICIAL INTELLIGENCE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with