^

PSN Opinyon

Walang pahinga

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA talagang pahinga si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio pagdating sa mga isyu sa karagatan, partikular ang nararapat sa bansa. Ang pag-angkin ng China sa West Philippine Sea ay pekeng balita at hindi dapat pinapayagang kumalat, hindi dapat pinalalampas. Kailangang ituro sa kabataan ang katotohanan. Kaila­ngang ipaalam sa China na hindi tatanggapin ang “fake news” na ito. Ang madalas sitahin ng China ay sila ang unang nakaalam ng mga isla sa karagatan kaya natural na sa China iyon. Pero ayon sa UNCLOS, kanselado na lahat ng pag-aangkin batay sa kasaysayan.

Siguradong hinihintay ng lahat ang pagpunta muli ni Pres. Rodrigo Duterte sa China at itaas na ang desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration (PCA) kay Chinese President Xi Jinping. Tatalakayin na ang desisyon na pabor sa bansa. Ito ang sinasabi ng Palasyo. Siguradong hindi magugustuhan ng China iyan, kaya ano kaya ang magi­ging resulta? Magbanta na naman kaya ng digmaan, tulad ng sinabi umano noon kay Duterte?

Sa kauna-unahang panahon, ang US at 10 bansa ng ASEAN ay magkakaroon  ng “joint maritime exercises” sa Setyembre. Tila ipinakikita ng US sa China na malakas pa rin ang impluwensiya sa rehiyon. Ang pahayag ng US ay “maintain maritime security, focus on prevention and pre-empt wrongdoing in the sea”. Para wala raw gumawa ng masama. Ano kaya ang pahiwatig niyan? May pinata­tamaan ba?

Hindi talaga puwedeng isantabi lang ang isyung ito para lang maging kaibigan ng China. Kung talagang tatalakayin ni Duterte ang desisyon ng PCA, malalaman na natin kung talagang kaibigan ng Pilipinas ang China. Kung sakaling hindi maganda ang pagtanggap ni Xi Jinping sa sasabihin ni Duterte, mabuti talaga ang may kaalyadong malakas.

vuukle comment

SUPREME COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with