^

PSN Opinyon

Huwag magpahulog sa Bitag ng direct hiring

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ILANG beses na kaming nagbigay ng babala sa BITAG kailanman, huwag tangkilikin ng mga overseas job applicants ang mga pangakong direct hire. Napakahalagang idaan ang lahat sa tamang proseso kung nais magtrabaho sa ibang bansa. Pero may mga makukulit pa rin tayong kababayan na hahamakin ang lahat, makapag-abroad lang. Kahit wala na sa katwiran, ipagpipilitan pa rin ang maling kagustuhan at gawain. Kaya ang ending, guso’t problema.

Katulad na lamang ng isang balik-manggagawang OFW na sumugod sa aming tanggapan. Reklamo niya, aalis na sana nitong Mayo pero hinarang siya sa POEA. Ang dahilan, expired na pala ang visa niya. Hindi na rin kasi siya dumaan sa anumang local agency niya dito sa Pilipinas dahil direct hired naman daw siya ng matagal na niyang amo. Katwiran naman niya, mayroon naman siyang kontrata na mula sa dating amo. Eto rin naman daw ang ginawa niyang proseso noon at nakalusot siya.

Pambihira, ipinagmalaki niya pa talaga ang kabuktutang ginawa. Kulang na lang sabihin sa mukha ko na “Mr. Tulfo, tulungan mo akong makalusot ulit sa maling pamamaraan!”

Mga boss, h’wag nating ipilit ang hindi puwede. Ang isang balik-manggagawa, kahit na babalik pa sa matagal na niyang amo ay kailangan pa ring dumaan sa agency dito sa Pilipinas. Kung nakalabas man siya ng bansa noon sa maling proseso, suwerte niya, tutulug-tulog pa ma­lamang noon ang mga nasa puwesto. Ibahin n’yo nga­yon, bago na ang mga namumuno’t mahigpit ang mga mandato. Kahit na na-visahan siya at matagal na sa amo, itinuturing siyang “undocumented” at wala sa radar ng gob­yerno. Delikado para sa mga OFW na nasa ganitong estado. Mahihirapang sumaklolo ang gobyerno kapag nalagay sa alanganin at kapahamakan ang OFW.

Kung tutuusin, kawawa ang mga direct hired na OFWs. Sila ang madalas na biktima ng mga pang-aabuso, pagmamaltrato at paglabag ng mga karapatan bilang manggagawa. 

Kaya payo ko sa mga nagbabalak na pumayag sa direct hiring, magdalawang-isip kayo. May maipakakain nga kayo sa inyong mga pamilya pero ang kapalit naman ay ang kaligtasan n’yo. Kapag dumaan ka sa agency ay protektado ka ng ating gobyerno. Kung ano man ang mangyaring masama sa’yo sa ibang bansa ay maipagtatanggol ka ng gobyerno dahil dumaan ka sa tamang proseso.

Mayroong means at record ang ating pamahalaan kung paano kayo hanapin, saklolohan at papanagutin ang may sala. Para rin ito sa proteksiyon sa mga dakila nating manggagawa abroad. Matuto sana tayong sumunod sa mga patakaran.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with