Millennials bakit umiiwas sa sex?
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

MARAMING mambabasa ang nag-react sa kolum ko nu’ng Hunyo tungkol sa “sex recession” o bawas-pagta­talik sa mga kabataan ngayon. Humihingi sila ng dagdag na impormasyon. Nasaliksik sa mayayamang bansa na umiiwas sa sex ang mga edad 18-29. Sa America dumoble sa 23% nitong dekada ang millennials na hindi nakipagtalik sa nakaraang 12 buwan. Ito’y bagama’t bukas silang pag-usapan­, magbasa at sumubok sa sex. Ibang-iba kaysa ang “free love” ng dekada-1960 at “casual date sex” ng -1990. Nakaka­pagtaka, dahil hindi sila gaanong relihiyoso; madali ang porn sa online; at tanggap nila ang ibang oryentasyon: lesbians­, gays, bisexuals, transgenders at queers.

Malaking factor dito, ayon sa saliksik, ang teknolohiya. Dahil lulong ang kasalukuyang henerasyon sa videogames at pagpapasikat sa social media, nabawasan ang interpersonal skills o pakikipag-kapwa. Naging kimi sila maki-interact sa ibang gender. At dahil doon lalo nilang sinu­­subsob ang mukha sa gadgets.

Isa pang rason ang ekonomiya. Iniiwasan nila ang hirap na dinanas ng magulang. Abala sila sa paghahanapbuhay. Karamihan ay nakikitira sa magulang para iwas gastos. Walang gaanong panahon mag-date, romansa, at relasyon.

Iniiwasan din ng millennials ang commitments -- kasal o live-in -- kung sa tingin nila ay makakasagabal ito sa trabaho at sosyalan.

Umepekto rin ang women empowerment. Marunong umayaw ang babae; kabado mamilit ang lalaki. Sa huli iniiwasan ang pag-isip ng sex.

Tumanda tuloy ang edad ng pag-aasawa at pag-aanak sa mga millennials. May mabuti’t masamang dulot ito sa kalusugan nila; sa relasyon sa magiging anak; sa katiwasayan, populasyon at social security. Pinaka-masaklap sa mga lola’t lolo na nais magka-apo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SEX
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with