^

PSN Opinyon

Ulirang bilanggo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG tuwing may komento o masasabi si Sen. Bato dela Rosa ay siguradong may reaksyon na hindi maganda. Natatandaan ng lahat ang kanyang “s**t happens” hindi ba? Inulan ng batikos ang kanyang pahayag dahil isang bata ang napatay sa operasyon ng mga pulis. Sa tindi at dami ng batikos sa kanya, humingi ng paumanhin para sa kanyang nasabi. Ngayon, may bagong isyu na naman dahil sa pahayag mula kay Dela Rosa.

Dahil sa posibilidad na mapalaya na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, nagpahayag na “changed man” na raw siya at dapat bigyan ng “second chance”. Marami ang bumatikos muli sa kanyang pahayag, pero isang pumuna ang nagresulta sa kanyang pag-init ng ulo. Sa pagdinig sa Senado hinggil sa pagbabalik ng ROTC para sa lahat ng senior high school students, binanggit ni Raoul Manuel, chairperson ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) na mahirap ang “pagtataguyod ng mga karapatan sa kamalayan lalo na kung may mga senador na naniniwala na ang isang nahatulang rapist at mamamatay-tao na tulad ni Sanchez ay pinahihintulutan na palayain.” Binatikos pa ni Manuel ang Oplan Tokhang sa ilalim ni Dela Rosa noong hepe ng PNP.

Dito na nagwala si Dela Rosa, dahil malayo naman sa tinatalakay ang pahayag niya at ang Tokhang. May punto naman si Dela Rosa riyan. Kung may pinag-uusapang paksa, dapat lahat ng diskusyon ay tungkol sa nasabing paksa. Pero ang ibig sabihin lang nito ay kung gaano kainit ang isyu ng pagpapalaya kay Sanchez. Tila pinag-uusapan ng buong bansa. Hindi rin ikinatutuwa ng mga kamag-anak nila Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Ito ang kailangang pakinggan ng gobyerno. Pag-aralan nang husto ang kaso ni Sanchez at mga kasama niya kung gaano kasama ang kanilang krimen. Marami ang nagsasabi na hindi siya nararapat palayain dahil hindi naman naging ulirang bilanggo habang nakakulong. Nahulihan ng shabu na gustong ipasok sa bilangguan. Sa loob pa ng istatwa ng Birhen itinago. May nakumpiska pang TV, aircon at ref sa loob ng kanyang selda. Iyan ba ang kilos ng ulirang bilanggo? Kung ang sinasabi ng Palasyo na ka­ilangang sundin ang batas, eh di sundin. Hindi siya kuwa­lipikadong mapalaya dahil hindi naman ulirang bilanggo.  

vuukle comment

BATO DELA ROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with