Maling balita (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

PINAHAHALAGAHAN sa ating Saligang Batas ang malayang pamamahayag o freedom of speech/freedom of expression. Pero hindi pinapahalagahan sa ating Saligang Batas ang pagpaparatang ng krimen o maling impormasyon, bisyo, kakulangan o anumang kapintasan na siguradong ikasisira ng pangalan, reputasyon o dignidad ng isang tao o kaya ay dudungis sa pangalan ng isang namatay.  Mas kilala ito sa tawag na “libel”. Ano ba ang dapat patunayan para ituring itong libel? Ano naman ang depensa laban dito? Ito ang mga tanong na sasagutin sa kaso ni Carrie.

Isang reporter sa isa sa mga pangunahing diyaryo sa bansa si Carrie. Sa isa sa mga lathala nito ay inilabas ang tungkol sa sinulat ni Carrie tungkol sa mga residente sa isang subdivision sa Metro Manila. Sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Dikilala ay gusto nilang hingin sa Bureau of Immigration na maipatapon pabalik sa kanyang bansa ang isang foreigner na diumano ay walang habas na namamaril sa mga alaga nilang hayop na naliligaw sa bakuran nito.

Hindi naman daw mapipigilan ng mga residente kung sakali at nakakatakas ang mga alaga nila at maiiwasan sa deportation ng banyaga ang anumang insidente sa hinaharap na masasaktan pa ang nasabing mga hayop. Mas magulo raw kung sakali at magkakaroon ng komprontasyon sa pagitan ng foreigner at ng may-ari ng hayop na kanyang binaril.

Ayon sa foreigner, na isa palang retiradong inhinyero mula sa ibang bansa na kasal sa isang Pilipina, may mga anak at matagal na palang nakatira sa Pilipinas, ay peke at mapanirang-puri ang nasabing balita. Nagsampa siya ng kasong sibil at dinemanda si Carrie pati ang pamunuan ng diyaryo. Sinira raw ng maling balita ang pangalan at reputasyon niya sa komunidad. Mula raw ng ilathala ito ay umaga at gabi na nakakatanggap ng mga galit na tawag ang kanyang misis mula sa kanilang mga kaibigan, kapitbahay at kakilala. Madalas din na batuhin ang kanilang bahay kaya nagkakabasag-basag ang mga paso ng halaman nila.

Bilang depensa, ikinakatwiran ni Carrie na obligasyon niyang ipaalam sa publiko ang tungkol sa nangyayari para protektahan ang madla. Wala raw malisya sa kanyang ginawa at malinis ang kanyang hangarin sa paglalathala ng balita. Nag-ugat daw ang balita sa sulat ni Atty. Dikilala sa BI na nahingi lang niya ang kopya mula sa Intelligence Division ng BI. (Itutuloy)

FAKE NEWS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with