Huwag n’yo kaming pakialaman
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

OO nga’t kaibigan natin ang China pero hindi naman yata tama na tayo’y kanilang diktahan. Sa kanilang ginagawa ngayon, nagmumukha tayong tuta ng mga Chinese. Kampante tayong kaibigan ang turing kabaliktaran naman dahil ang tingin nila sa ating mga Pinoy ay tau-tauhan. Malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto pati ba naman batas natin ay sinusubukan na ring panghimasukan.

Inutusan na i-ban ang lahat ng online gambling at huwag daw bigyan ng lisensiya ng Philippine Offshore Gaming Corporation (POGO) ang mga Chinese dahil illegal daw ito sa China. Sa kanila na rin nanggaling na bawal kaya huwag nila tayong diktahan dahil magkaiba ang Pilipinas sa China. Malaking taxes ang nakukuha ng gobyerno dito. Hindi naman tayo mayamang bansa tulad ng China na maraming mapagkukunan ng tax.

Kung maalala n’yo ang pambu-bully nila sa mga ma-ngingisdang Pinoy, ang pagdaan ng kanilang warships sa ating teritoryo at ngayon dinidiktahan tayo ng naaayon sa kanilang kagustuhan. Sumusobra naman na yata ang pakikialam ng China sa atin. Kailan kaya tayo magigising?

Unti-unti nang naliliwanagan si Pres. Digong Duterte sa ginagawa ng mga Chinese. Kung noon ay puro papuri at tagapagtanggol ng China ngayon kumakambiyo na. Mabuti ‘yun para sa ating lahat. Napapansin kong matigas ng manalita si Digong. Kung noon ay parating bukambibig na hindi natin kaya ang China, ngayon ay iba na.

Sa pagpunta ni Digong sa China sana masabi niya lahat kay Pres. Xi Jinping ang lahat ng ating hinaing lalo na ang pagbalasubas sa ating bansa. Hindi tayo dapat diktahan ng ating gagawin dahil magkaiba tayo ng batas. Kung ang Hong Kong nga na kapwa nila Chinese, ayaw sa kanilang batas, tayo pang mga Pinoy na hindi nila kalahi ang susunod?

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING CORPORATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with