^

PSN Opinyon

Maliit na halaga?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAHAYAG ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica, “P100,000 para makaraos lang” Ito umano ang kanyang sahod na sapat para makaraos lang. Kaya para sa kanya, hindi mala­king regalo iyon dahil ganun din naman ang kinikita niya. Walang argumento na ang P100,000 ay maaaring maliit na halaga para sa milyonaryo. Pero ano kaya ang pakiramdam ng mas nakararaming hindi naman ganyan kumita? Maliit na halaga lamang para sa isang regalo ang P100,000, depende sa kinikita? Hindi ba’t ang P100,000 ay P100,000 kahit paano mo pa tingnan o bilangin?

Isyu na kasi kung ano ba talaga ang hindi gaano kala­king halaga na matatanggap na pera ng empleyado ng gobyerno kung ibinigay bilang regalo. Bunsod ito ng pahayag ni Pres. Rodrigo Duterte na walang kaso kung tumanggap ng regalo ang mga pulis kung ibinigay bilang pasasalamat. Okay din daw ang magpatakbo ng video karera dahil maliliit lang daw ang sahod ng mga pulis. Kahit dinoble na? At bakit mga pulis lang kung napakaraming maliliit din naman ang sahod?

Kaya siguro nagsalita na si DOJ Sec. Menardo Guevarra na dapat italaga ng Civil Service Commission (CSC) kung ano talaga ang “nominal amount” na regalo kung sakaling may magbigay. Pero ayon sa CSC, hindi dapat tumatanggap ng anumang regalo ang mga empleyado ng gobyerno. Nakasaad ito sa batas kaya bawal. Pero tila hindi na nga usong sundin ang batas ngayon.

May nagpupumilit pa nga riyan na maging kinatawan ng isang party-list kahit nakasaad sa batas na lampas na siya sa edad para maging kinatawan ng kabataan. May desisyon na nga ang Comelec na hindi siya puwede pero sige at nagpupumilit pa rin, hinihingi pa ang tulong ni Pangulong Duterte at ng Korte Suprema at planong ipa-impeach ang isang commissioner ng Comelec. Eh kung nasa batas na nga, ang Korte Suprema pa ang hihigan ng tulong?

Dapat nga at maglabas ng opisyal na pahayag ang CSC hinggil dito. Sa ngayon, pinag-aaralan ng Senado kung ano nga ang “nominal amount” pero hindi sang-ayon si Sen. Ping Lacson sa pahayag ng commissioner ng PACC. Hangga’t walang pagbabago sa batas, iyan ang katayuan ng CSC.

Walang dapat tumanggap. Para sa kanila, sapat na ang pasasalamat para sa trabahong ginampanan dahil may mga sahod nga sila. Nakasimangot siguro ang ilan diyan at hindi naman puwedeng ipang-shopping ang pasasalamat. Hindi ka makakabili ng Lacoste, Polo, Bally, Florsheim at iba pang mamahaling tatak.    

vuukle comment

PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with