^

PSN Opinyon

Diplomatic protocol sa air at sea navigation

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY diplomatic protocol na sinusunod ang lahat ng mga dayuhang barko o eroplano na daraan sa teritoryo ng alin­mang bansa. Dapat muna silang magbigay ng abiso sa kina­uukulang pamahalaan bago dumaan. Kung tutuusin, kahit walang dokumento kaugnay nito, sentido komon na dapat respetuhin ng isang nakikiraan ang lugar na kan­yang daraanan.

Brusko talaga at walang pakundangan ang China na walang kaabug-abog na pinadaan ang ilang barko de gi­yera nito sa Sibutu Strait na teritoryo ng Pilipinas ‘di kalayuan sa Tawi-tawi. Palatandaan ito na wala na ni katiting na respeto ang China sa ating bansa. Hindi lang ordinar­yong barko kundi warship. Para talagang nanduduru lalo sa atin dahil nauna na tayong nagpakita ng pagkabahag ng buntot.

Kaya ang panawagan ni Presidente Duterte hindi lamang sa China kundi sa lahat ng dayuhang bansa na mag­paalam muna sa ating gobyerno bago dumaan sa ating katubigan. Eh China lamang naman ang gumagawa ng ganyan at wala tayong problema sa ibang bansa na rume­respeto sa protocol.

Iyan ang personalidad ng China simula nang ito’y luma­kas at maging superpower ng Asia. Wala nang nire­res­peto pati na ang arbitral ruling ng United Nations hinggil sa eksklusibo nating karapatan sa bahagi ng West Phi­lippine Sea.

Sinamantala ng China ang outsourcing sa ilang gawain sa mga maunlad na kanluraning bansa kaya nakuha nito at na-develop ang hiram na teknolohiya kaya sila naging mabangis na dragon ngayon. May kasalanan din ang Ame­rica at ibang European countries sa kayabangan at panduduro ng China ngayon na tiyak na lalo pang titindi kapag hindi ito pinutulan ng sungay.

Ngunit Pilipinas lang ang kayang duruin ng China dahil yung ibang maliit na bansa ay lumalaban. Tayo, nganga! Nung una, si dating Pangulong Noynoy ang mismong nagsabing wala tayong laban sa China “kahit pitikan ng ilong” na sinundan pa ng pag-amin ng kasalukuyang Presidente Duterte na talo tayo kung makikipagdigma sa China.

Oo, hindi tayo puwedeng maghamon ng giyera sa China. Pero dapat namang maging assertive ang gobyerno sa mga karapatan nito para hindi tayo tinatapak-tapakan.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with