Mga pagkain para sa lalaki
DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

ANG mga sumusunod na pagkain ay bagay sa mga lalaki para sila ay maging masigla at malusog.

1. Matabang isda tulad ng dilis, sardinas, bangus, tani­gui, tuna, tawilis.

Ang sustansiyang nakukuha sa isda ay omega-3 fatty acids. Ang fatty fish ay posibleng tumutulong laban sa sakit sa puso, stroke, hypertension, depression, joint pain, lupus at rheumatoid arthritis.

2. Beans.

Ang beans ay mahusay na pinagmumulan ng protina at fiber. Maaaring magkaroon ng proteksiyon laban sa sakit sa puso at kanser.

3. Kamatis at tomato sauce.

Ang kamatis ay may lycopene na mabisang panlaban sa prostate cancer at sakit sa puso. Tumutulong ang lycopene sa balat at nagpoprotekta laban sa UV light ng araw.

4. Pulang karne.

Ang karagdagang protina ay nakapagpapalusog. Ang protina ay gumagamit din ng mas maraming calories at nasusunog ang protina. Ang amino acid leucine ay matatagpuan sa pulang karne (red meat). Mahalaga ang amino acid dahil sa pagpapatatag ng masel sa katawan. Piliin ang lean meat na walang taba. Kumain ng katamtaman.

5. Seafoods.

Ang mga alimango, tulya, talaba, hipon at iba pang shellfish ay may Zinc, mababa sa calories at mataas sa protina. Kailangan ng lalaki ang zinc para makabuo ng semilya. Tinutulungan din nito ang iyong prostate. Kung ikaw ay kulang sa Zinc, tataas ang tsansa na ikaw ay magkaroon ng prostate cancer.

6. Saging.

Para sa mga masakit na kalamnan at pulikat. subukan ang mga saging. Kung sapat ang potassium ay pwede maka-iwas sa mga ito. Ang mga saging ay puno sa potassium. At kung ikaw ay may mataas na presyon (high blood), ang potassium ay mahalaga bilang pagbawas ng sodium para mapababa ang blood pressure.

7. Berdeng gulay

Madahon at berdeng gulay ang kangkong, malunggay, spinach, alugbati, dahon ng sili at lahat ng talbos. Ito ay mayaman sa antioxidants lutein at zeaxanthin na mabuti sa paningin. Ang phytochemicals sa gulay ay pinatataas ang cellular health at makatutulong sa pagpapababa ng tsansa na magkaroon ng kanser.

8. Kulay orange na gulay.

Subukan ang karot, kamote, kalabasa at orange bell peppers. Ang orange na gulay ay may maraming bitamina C, lutein at beta-carotene. Mabuti ito sa mata at pinipigilan ang sakit sa puso at kanser.

9. Itlog.

Ang itlog ay masarap at masustansyang protina na puwede idagdag sa inyong pagkain. Ang isang malaking itlog ay mayroong 6 grams ng protina, 63 mg potassium at 78 calories lamang. Puwede kumain ng isang itlog bawat araw.

10. Luya.

Ang luya ay may tulong sa masakit at pagod na kalamnan. Ang luya ay mabisa sa pamamaga, tulad ng pain relievers. Sa pag-aaral sa mga pasyenteng may arthritis sa tuhod, ang katas ng purong luya ay nakababawas ng paninigas at sakit ng 40%. Ang salabat ay maganda rin sa pagduduwal, mabilis na paggaling at pag-alaga ng boses.

FOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with