Sunud-sunod na kalamidad
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

NAKAAALARMA na ang patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit nating kababayan. Wala nang pinipili ang panahon dahil nagsimula na ring tamaan ng sakit ang mga hayop at nangunguna na riyan ang mga baboy. Apektado na ang mga kababayan nating tindera ng kar­neng baboy dahil sa hindi malamang sakit na dumapo sa nasabing hayop.

Ang dengue at leptospirosis ay patuloy na naghahasik ng sakit sa ating mga kababayan. Umaaray na ang mga hospital at health center dahil punuan na ng mga pasyenteng may dengue. Pati na ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) ay nananawagan sa mga mag-aambag ng dugo. Patuloy ang dumaraming pasyente na may leptospirosis at kailangan silang mag-dialysis.

Nakalulungkot lamang dahil tuluyan nang ibinasura ng Department of Health (DOH) ang Dengvaxia vaccine­ na tutulong sana sa ating mga kababayan para mapi­gilan ang dengue. Naniniwala ako sa Dengvaxia dahil hindi lang naman ang Pilipinas ang gumamit nito kundi sa iba’t ibang bansa. Hindi nga lamang napabuti ang balita ng Dengvaxia sa Pilipinas dahil sa maling paniniwala ng ilang kababayan. Kaya ayun, hindi mapigilan ang pagdami ng mga nagkaka-dengue.

Ang tanong ko, sino ang gumagastos sa panganga­ilangan ng mga pasyente? Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi basta-basta ang mga gamot ng mga may sakit dahil may nababalitaan akong nasa ICU at ang iba ay nagda-dialysis na. Grabe na ang tumama sa kanilang sakit kung ganoon. At karamihan sa mga tinamaan ay naghihikahos sa buhay. May tulong bang nanggagaling sa gobyerno? Dapat naman!

Ibalik ang tiwala sa bakuna. ‘Yan ang magandang paraan upang maiwasang mameligro ang ating buhay. Magtiwala sa mga doktor dahil bago nila ito ibakuna, pinag-aralan muna.

HEALTH CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with