^

PSN Opinyon

National budget priority sa Kamara

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG agenda na tinatalakay at mabilis na inaaksyonan ngayon sa Kamara de Representante ay masasabing historical o makasaysayan. Baptism of fire ito sa bagong Speaker na si Alan Peter Cayetano. Mabilis ang aksyon. Wala pang isang buwan, pasado na sa 3rd reading ang HB 1026 o ang pagtataas ng buwis sa mga inuming nakalalasing na isa sa mga priority measures ni Digong.

Aprubado na rin ni Cayetano at ng mayorya sa apat na budget hearings ang gagawin araw-araw mula lunes hanggang biyernes at iniusog ang sesyon sa alas singko ng hapon upang mapabilis ang pagtalakay sa pambansang badyet at maaprubahan ito sa October 4. Kasabay ng marathon budget hearings ang mga pagdinig na gagawin ng ibang komite sa ibang panukala nang walang maaksayang oras.

Maling-mali ang hula ng mga nagsasabing masyadong marami ang deputy speakers ni Cayetano at ito’y magpapabagal trabaho ng kamara. Napabilis pa nga ang trabaho porke ang bawat deputy speaker ay may tinututukang sektor bawat isa. May nakatutok sa edukasyon, climate change at iba pa.

Kayod kalabaw ang ginagawa ng mga kongresista upang hindi na maulit ang pangho-hostage sa national budget na nagresulta sa 1B pisong nawawala sa gob­yerno bawat araw. Ngayon pa lang, butata na ang mga maiingay na kritiko na pumupuna sa mga hakbanging gina­gawa ng Kongreso.

Ang panukalang pagtataas ng buwis sa mga alcoholic drinks ay siyang pagkukunan ng pondo para sa Universal­ Health Care. Layunin din ng gobyerno ni Digong na ma­bawasan ang paglipana ng mga sakit na dulot ng pag-inom ng alak at mabawasan ng 10 porsyento ang alcohol consumption sa 2025. Kaya ngayong naisumiti na sa kamara ang 2020 national budget, asahan pa ang doble-kayod na work mode ng mga kongresista.

Ang sabi nga ni Speaker Cayetano pagsisikapan nila na maging ‘Congress of the People’ ang kamara upang mabura na ang negatibong tingin ng mga tao sa kongreso. Kaya naman, ‘work, work, work’ ang mga kongresista. 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with