OA lang?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

TILA ito ang sinasabi ng Palasyo sa pangamba ng pag­kakalapit ng lokasyon ng mga tinatawag na POGO sa mga kampong militar ng bansa. Hindi kasi umano kumpor­table si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa sitwasyong ito. Wala ngang pangangambahan ngayon pero paano raw habang tumatagal na sila sa bansa? Bumuwelta nga si Chinese Ambassador Zhoa Jianhua na paano pala kung sabihin nila na baka espiya rin ang mga OFW natin sa China. Hindi naman daw maganda kung mag-iisip ng ganyan.

Siguro ang sinasabi ni Lorenzana ay mas may kaka­yanang mag-espiya ang China sa bansa. At hindi lang naman ang Pilipinas ang nag-iisip niyan. May tatak nga ng cell phone mula China na laging pinaghihinalaang may kakayahang mag-espiya o makakuha ng impormasyon. Kaya hindi naman OA o wala sa lugar si Lorenzana. Halos kasindami na nga raw ang mga taga-China na nagtatra­baho sa mga POGO sa dami ng AFP. Mabuti na ang ma­ingat, kaysa magsisi hindi ba? At hindi ba’t mababa pa rin ang tiwala ng karamihan ng mamamayan sa China?

Mahalaga talaga na talakayin ni Pres. Rodrigo Duterte ang iba’t ibang isyu kay Chinese President Xi Jinping kapag magkita muli sila ngayong Agosto. Partikular ang paglayag ng mga barkong pandigma sa Sibutu Strait nang walang pahintulot sa AFP. Pinatay pa nga ang automatic information system para hindi sila mapansin habang lumalayag ng karagatang malinaw na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Bakit kaya nila ginawa iyan? Sinusubukan ba nila ang kakayanan ng AFP? Ayon sa Palasyo, hindi raw ito aksyon ng kaibigan. Talaga. 

Hati nga ang opinyon ng mga negosyanteng Pilipino-Chinese sa paglaganap ng POGO sa bansa. Sa kabila ng malakas na pagpasok ng pera sa bansa at pagtaas ng presyo ng lupa partikular sa lugar ng Manila Bay, sugal pa rin ito na ipinagbabawal nga sa China at kung tutuusin ay hindi magandang negosyo. Kung iligal nga ang pagsu­sugal sa China, bakit tila kinukunsinti naman ang paglipat ng mga iyan sa bansa? Hindi ba parang basurang ipina­dala sa bansa tulad ng ginawa ng Canada at iba pa? O sa dami ng perang pumapasok ay hindi na lang pinapansin ang pagka-iligal sa China?

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with