^

PSN Opinyon

Malawak at matayog na kaisipan

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG Agosto 21, muling ginugunita ng lipunan ang isang bayaning itinaya ang buhay sa ngalan ng minimit­hing kalayaan para sa lahat. Napakalaki ng sinakripisyo ni Senador Ninoy Aquino at ng kanyang pamilya upang makamit natin at patuloy na sariwain ang biyaya ng isang malayang pamumuhay. Ganoon kahalaga ang kanyang pinaglaban na nararapat lamang na hindi tayo makalimot.

Subalit heto na nga at nawawalan na rin ng pakunda­ngan ang mga nanunungkulan. Ang ilan sa kanila ay tila nakalimot na yata sa tindi ng dinanas nating pagsubok bago humantong sa puntong ito. Tulad nitong si Senador Ro­nald “Bato” dela Rosa na kaydaling ipinanukalang limitahan ang  karapatan ng mga mag-aaral sa mga Pamantasan. Ang mabibigat na freedom of expression at freedom of association. Ang nais niya ay hadlangan ang mga estudyan­teng­ may sariling pag-iisip na kumilos ayon sa kanilang pinani­niwalaan. Sisitahin nito ang mga aktibistang kilusan na ani­ya’y nagre-recruit ng kabataan. At hindi raw tama na ang pondo ng gobyernong pinanggagastos sa mga pamantasan gaya raw ng UP at PUP ay napupunta lang sa paghulma ng mga produktong kokontra lamang dito. 

Nalimutan na yata niya na ang interes ng estado ay napupursigi kapag sa kanyang mga pamantasan ay ma­ka­prodyus ito ng mga malawak ang pagiisip. Mga batang hindi kuntento sa mga isinusubo lang na impormasyon at sa halip ay aktibong kinukuwestiyon, hinahamon at lalong hina­hanap ang katotohanan. Ang pangunahing misyon ng mga institusyon para sa mataas na edukasyon ay ang isulong at pangatawanan ang katotohanan. Yakapin ang bawat pagkakataong dakilain ito.

Sa kanyang kasalukuyang istasyon bilang senador, lagi sanang isaisip ni Sen. Bato na hindi na ang pulisya lamang o ang pagpatupad ng batas ang kanyang misyon. Mas matayog na dapat ang kanyang serbisyo. Sa pagkatha ng mga batas at alituntunin, dapat nang timbangin ang interes ng lahat ng nakikilahok. Habang maari ay pahalagahan sana ang mga karapatan ng tao nang mahigit pa sa interes ng gobyerno.

vuukle comment

NINOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with