Marami nang nagagawa si Lt. Col. Rogelio Simon
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

ARAW-ARAW, balita sa dyaryo, radyo at telebisyon ang mga nahuhuling drug pushers. Malinaw na namama-yagpag pa rin ang droga sa kabila nang walang tigil na operasyon ng mga pulis. Sa totoo lang, hindi na natutulog sina Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar para maipatupad ang kampanya sa illegal na droga. Nakasubaybay din sila sa kanilang mga tauhan dahil nakamatyag sa mga ito ang Commission on Human Rights dahil libo na ang namatay mula nang ilunsad ng Duterte administration ang giyera laban sa droga.

Maituturing na tagumpay ang kampanya ng PNP sapagkat puno na ang mga kulungan sa buong bansa. Subalit matigas talaga ang ulo ng ilang kababayan dahil ayaw pa rin nilang tumigil sa pagdodroga. Ang ilan sa mga ito ay sumuko na at na-rehab subalit muling bumalik sa pagtutulak.

May mga mayayaman na sa mga condomi-nium na nagsasalyahan at nagpapagamit ng party drugs gaya ng ecstasy at marijuana kush. Ang mga parukyano nila ay mga kilalang tao sa lipunan. Ngunit hindi naman nila maililihim ng panghabang panahon ang kanilang bisyo dahil sa tulong ng ilang kababayan, nahuhuli sila. Kaya nasa kamay ng hepe ng pulisya ang susi sa pagtimbog sa mga tumatangkilik ng droga.

Katulad na lang sa Makati City Police Station, madalas ang Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) na isinasagawa ni CPS chief Lt. Col. Rogelio Simon sa nasasakupan. Ang nakakatuwa kay Simon, marami na siyang nahuhuling pushers, users, pusakal at mga offenders sa city ordinance.

Malinaw na tumatalima si Simon sa kautusan nina General Albayalde at Eleazar sa pakikipagdigma sa droga at mga kriminal. Bagama’t barya-barya ang droga na nalalambat ni Simon, mala-king kabawasan ito sa Makati. Nawawalis niya ang mga masasamang loob at nakapaglalakad ng ligtas ang mamamayan.

Hindi lang si Simon ang bibigyan ko ng papuri kundi pati ang barangay officials. Dito nakikita na may magandang samahan ang barangay officials, mamamayan at pulisya sa ilalim ni Simon. Kaya ko pinuri si Simon dahil halos mapuno ang messengers ko sa mga report at pinatutunayan naman ito ng panggabing reporters at photographers ng Manila Police District Press Corps. Hindi ito maipagkaila dahil kadalasan kasama sila sa SACLEO ni Simon.

Di ko naman inuutusan ang mga hepe ng pulisya sa Metro Manila na gayahin ang kasipagan ni Simon subalit kapag sinipagan ninyo ang trabaho kontra droga, mapipilay din sa kalaunan ang mga tulak at adik. Huwag na ninyong hintayin na maipasa ang death penalty law bago kumilos kasi habang inihahain ito sa Senado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, dumarami ang komokontra. Kilos mga kaibigan kong pulis na may malasakit sa bayan. Lambatin ang mga nagtutulak at gumagamit ng droga.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with